‘Mahiya naman kayo’: Drayber na may libreng sanitizer sa dyip, ginawang halimbawa laban sa mga resellers

Imahe via Mharzu | Facebook
  • Bida sa social media ang isang drayber ng dyip sa Baguio dahil sa libreng sanitizer para sa mga mananakay
  • Ikinukumpara siya ng mga netizens sa mga nagbebenta ng sanitizer na halos triple ang presyo

Ibinida ng Facebook user na si Mharzu ang drayber ng dyip sa kanilang lugar. Mayroon kasing sanitizer  si manong na puwedeng gamitin ng pasahero nang libre.

Imahe via Mharzu | Facebook

Sabi ni Mharzu sa kanyang post, “Ganito kami dito sa Quirino Hill, Baguio City. Nagtutulungan, walang lamangan.”

Nakatawag ito ng pansin sa mga netizens at halos limang daan ang nag-share. Bawat netizen na nagbahagi nito ay nagparating din ng kanilang mensahe.

Ibinahagi rin ito ng Isko Moreno Supporters FB page at nagpaalala sila sa mga nagbebenta ng sanitizers na  triple ang presyo.  Mahiya naman daw dahil naging sakim sila tapos makakasakay sila sa dyip ni manong na ipinapagamit lang nang libre ang sanitizer.

“Di ba nakakahiya ka? Di ba para kang walang pinag-aralan? Di ba parang bigla kang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sakim ka? “ Mapapaisip ka talaga dahil sa mga salitang iyon.

Pinuri ng mga netizens ang drayber ng dyip.

Imahe mula sa Isko Moreno Supporters } Facebook

“La Trinidad – Baguio jeepney. They are not just honest drivers, so to speak. We are so proud to have them in the highlands!

“Buti pa si manong may pakialam sa ibang tao.. Eh ‘yung iba wala. Gahaman masyado. God bless po, manong.”

Marami na ang nasusulat tungkol sa mga drayber ng pampublikong sasakyan sa Baguio at nakikilala na sila bilang mga tapat na drayber at nagsasauli ng mga nawawalang pera o gamit ng mga turista. Ngayon naman muli rin nilang napatunayan na totoong may pagpapahalaga sila sa mga pasahero.

Apektado ang Baguio sa mga kanseladong pagdiriwang. Hindi na itinuloy ang  kanilang 25th Baguio Flower Festival (Panagbenga) dahil sa banta ng COVID-19.

Sana’y marami pang indibiduwal ang gumaya kay manong.  Magtulungan na lang sana tayo kaysa manamantala ng kapwa.

Loading…