Mangangalakal dalawang araw nang hindi kumakain, nanawagan ng tulong sa social media

Imahe via Maemae Surio | Facebook
  • Isang mangangalakal ng basura ang hindi makapaghanapbuhay dahil sa quarantine
  • Nang wala nang makain, lumapit siya sa isang babae at nabigyan naman siya nito
  • Hiniling ni tatay na maipost siya sa social media upang makahingi ng tulong para sa kanila ng apo

Marami ang nawalan ng kabuhayan nang idineklara ang enhanced community quarantine. Kung sa tingin mong hirap na hirap ka na sa sitwasyon mo, mayroon pang mas nakakaawa ang lagay kaysa sa ’yo.

Imahe via Maemae Surio | Facebook

Nariyan ang mga mangangalakal ng basura. Dahil walang trabaho, wala ring opisina at sarado ang karamihan ng mga negosyo, walang basurang puwede nilang mapakinabangan. Bawal din silang lumabas dahil sa quarantine.

Isa si tatay Antonio Pabita ng Las Pinas sa nakaranas nito. Sa kuwento ni Maemae Surio sa social media, lumapit si tatay sa bahay ng kanyang boss at nagsabing, “ Ma’am, baka puwede po ako makahingi ng barya. Gutom na gutom na po ako.”

Nadurog ang puso ni Maemae dahil kitang-kita niya na nangangatog na si tatay. Akala niya may sakit ito ngunit sanhi daw iyon ng gutom niya. Pinagtimpla niya ng gatas si tatay para mainitan ang sikmura nito. Nagbigay din siya ng biskwit at pera.

Dalawang araw na palang walang kain si tatay Antonio kaya naisipan niyang maglakad-lakad upang mamalimos para may makain sila ng apo niyang nasa Grade 2. Hiling niya kay Maemae na maipost siya sa Facebook at baka sakaling may makatulong sa kanya.

Imahe va Lorbert Hababg II | Facebook

Isa naman sa mga netizens ang nakakakilala sa kanya. Ayon kay Mark Alison Basco, masipag pala na maglalako ng gulay si tatay. At sa tuwing dadaan sa kanila, nire-refill nila ng tubig ang mga plastic na bote ni tatay at binibigyan ng pagkain.

“Thank you po sa inyong pagpost. God bless po kay Tatay. Sana matulungan po siya ng mayor at kapitan natin dto sa lugar natin,” sabi niya.

Umani ng 29k reactions, 13k comments at 42k shares ang post ni Maemae.

Agad namang may tumugon muli sa kanyang panawagan tulad ng National Community Riders Club. Pinuntahan nila si tatay at bingyan ng tulong na pagkain at cash.  Nakatutuwang isipin na kahit halos lahat sa atin ay hirap ngayon, nariyan pa rin ang malasakit natin sa kapwa.

Imahe mula kay Maemae Surio via Facebook

Loading…