Nakakahong relief goods na ipinamimigay sa Valenzuela, puring-puri sa social media

Images via Cj Talavera II and @dooowwnnyy | Facebook/Twitter
  • Pinuri ng social media users ang nakakahong relief goods na ipinamimigay sa Valenzuela City
  • Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Cj Talavera II ang laman ng kahon na ipinamamahagi sa lungsod
  • Makikita sa larawan na mas marami sa kadalasang ipinamamahagi na relief goods ang ibinibigay sa mga taga-Valenzuela

Kung problema sa ibang lungsod ang tagal sa pamamahagi ng relief goods o ang bilang ng supply na mahirap pagkasyahin sa isang pamilya, iba naman sa Lungsod ng Valenzuela.

Image capture from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Cj Talavera II ang laman ng kahon na ipinamamahagi sa lungsod. Makikita sa larawan na ini-upload niya na mas marami sa kadalasang ipinamamahagi na relief goods ang ibinibigay sa mga taga-Valenzuela. Dahil dito, puring-puri ngayon ang lokal na pamahalaan sa social media.

“Grabe ang bigayan sa Valenzuela, solid!” saad ni Talavera sa caption ng litrato, kung saan nagbahagi rin ng larawan ng mga natanggap nila ang ibang mga taga-Valenzuela.

“Sana all ganiyan. Haha! Dito nga sa amin three days pa lang na namimigay, ubos na iyong mga de-lata, noodles, sabon, at alcohol. Buti na lang nakarating pa ang bigas,” wika ni Rhea Francisco.

Mayroon ding mga pumuri sa sistema ng pamamahagi sa lungsod dahil napakaingat daw ng proseso at talagang nasusunod ang mga safety measure na dapat ipatupad sa panahon ng enhanced community quarantine, kabilang na ang social distancing.

Kumento naman ni Reycka Manrique,”Ganiyan talaga si Mayor Rex Gatchalian magbigay. Hindi niya tinitipid ang mga tao niya.”

Gayunman, ayon sa alkalde, hindi siya ang dapat pasalamatan ng mga residente, kung hindi ang kanilang mga sarili.

“Please don’t thank me. Thank yourselves for paying taxes. Pera ninyo iyan,” saad niya sa isang tweet.

Image via Valenzuela City | Facebook

Ganito rin ba ang ipinamamahagi sa inyong lungsod sa panahong ito ng enhanced community quarantine?

Source :

Facebook, Twitter

Loading…