Nostalgia: Naitago n’yo pa ba ang Video City Membership Card ninyo noong araw?

Image via Kami ang Batang 90s | Facebook
  • Usong-uso sa mga Pinoy noon ang pagrerenta ng tape at CD ng mga pelikula
  • Kanya-kanya ang dahilan ng mga nagrerenta; may mga hindi naabutan ang pelikula sa sinehan, may mga hindi kayang manood ng sine, may mga gustong ulitin ang napanood, at iba pa
  • Kung ngayon ay kailangan ng subscription para makapanood sa streaming sites at apps, noon naman ay mayroong membership card ang mga tumatangkilik ng video rental shops

Isa sa mga maliliit ngunit pinaka-iconic na bagay mula sa nakaraan ang Video City Membership Card na laman palagi ng pitaka ng maraming Pinoy noong araw.

Image capture from Facebook

Wala pa kasing Netflix, iflix, HOOQ, at iba pang streaming sites at apps dati kaya usong-uso pa sa mga Pilipino ang pagrerenta ng tape at CD ng mga pelikula. Iba-iba ang dahilan ng mga nagrerenta; may mga hindi naabutan ang pelikula sa sinehan, may mga hindi kayang manood ng sine, may mga gustong ulitin ang napanood, at iba pa. At malaking bagay para sa kanilang mga tumatangkilik ng video rental shops ang membership card na mayroon sila.

Kumbaga, kung ngayon ay kailangan ng subscription para makapanood sa streaming sites at apps, noon naman ay sapat nang mayroong kang hawak na membership card — kaya naman ang iba, hanggang ngayon ay hawak pa rin ang card nila.

Sa Facebook page na Kami ang Batang 90s, binalikan ng mga “young once” ang “panahon ng Video City Membership Card”. Ang ilan sa kanila, nakatago pa rin ang membership card na ginagamit nila noon.

“Nakatabi pa ‘yong membership card ko,” pagbabahagi ng social media user na si Crich Villanueva.

“Dati akong member diyan noon, usong-uso pa,” kumento ni Eliza Delacruz.

“Sayang,” wika ni Jethro Cruz Fernando. “Tayo lang din pumatay sa business nila, e. Katuwa lang din kasi iyong mga promo nila na 4 or 5 + 1 tapos may top rentals na naka-paskil. Hehe! Tapos ‘yong amoy ng panlinis nila ng CD. Haha! Saka parang mas enjoy manood diyan, unlike ngayon sa Netflix na sa sobrang dami ay hindi mo na alam ang uunahin. Haha! Nakaka-miss!”

Image capture from Facebook

Ikaw, naitabi mo pa ba ang Video City Membership Card mo?

Source :

Facebook, Buzz DF

Loading…