Nurse ikinuwento ang karanasan sa paggamit ng PPE: ‘Halos hahabulin mo ang hininga mo sa sobrang init

Imahe via Paul del Rosario | Facebook
  • Ang PPE ay gamit ng ating mga doktor at nurse upang maiwasang mahawa ng sakit
  • Isang nurse ang nagbahagi sa hirap na pinagdadaanan nila sa pagsusuot nito 

Maliban sa mga doktor, isa rin ang nurse sa pinakamahalagang health workers sa paggamot ng bawat pasyenteng may COVID-19. Sa kanilang pag-aaruga, nagbibigay ito ng pag-asa na malalagpasan ng maysakit ang kanyang pinagdadaanan.

Imahe kuha mula sa video ni RVN Ong via Facebook

Hindi madali ang kanilang ginagampanang papel kaya sila mismo ay napapagod din. Maliban pa riyan, marami ang nagungutya, natatakot at nandidiri sa kanila sa pangambang mahawaan  ng virus. Ang lahat ng ito ay iilan lamang sa mga hinaing na ipinalabas ni Paul del Rosario sa social media.

“Physically and emotionally exhausted na kami pero hindi sa mga taong mapanghusga kami titiklop, “ aniya.

Bago tayo maging mapanghusga, alamin muna natin gaano ba kahirap ang tungkulin na ito ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa paggamit pa lang ng PPE hindi na ito madali.  Sa klima nating mainit, talagang hindi komportable ang magsuot nito sa buong duty mo.

Sabi pa ni Paul, “Every after PPE pawisan ka pero kailangan mong maligo. Kung maka 3x kang akyat maliligo at maliligo ka.” At hindi lang yan. Sa sobrang tagal ng pagsusuot ng N95 mask, talagang papaltos  daw ang ilong mo at bakat lahat ng strap sa mukha.

Imahe via Paul del Rosario | Facebook

Dagdag pa niya, “Halos hahabulin mo hininga mo sa sobrang init. ” At ang goggles nagkaka-fog na minsan at halos wala ka nang makikita.

Minsan gusto na niyang umayaw subalit kakayanin niya dahil para sa kanya, “Habang may pasyenteng lumalaban, may nurse at doctor na lalaban.”

Ibinahagi rin niya na bukod sa personal na pagharap sa pasyente,  minsan idinadaan sa pagtetext ang komunikasyon nila upang mabawasan ang exposure. Naging epektibo naman ito.

Si Paul ay isang nurse sa Mareveles Mental Wellness and General Hospital.

Kahanga-hanga ang mga nurse na kagaya ni Paul,. Di baleng magsakripisyo, makapagsilbi lang sa bayan.

Source :

Facebook

Loading…