Paano nga ba ipatutupad ang social distancing sa dyip? Manong Drayber, may solusyon

Imahe via Rhona May Romano | Facebook
  • Kahanga-hanga ang isang drayber ng dyip dahil ipinatutupad niya ang social distancing para sa kanyang mga pasahero
  • Naglagay ng mga karton ng juice si  manong bilang gabay ng mga pasahero kung saan sila uupo
  • Saludo ang mga netizens sa pagsunod ni manong  at hangad nila’y sundin ito ng iba

Nasimulan  nang ipatupad ang social distancing para maiwasang mas kumalat ang COVID-19. Para sa mga pampublikong sasakyan, ito ay ang pagkakaroon ng isang metrong pagitan kada tao.

Imahe via Rhona May Romano | Facebook

Para sa isang drayber ng dyip, paano nga ba masisigurong hindi uupo nang magkakadikit ang iyong mga pasahero?

Isang simple at epektibong solusyon ang naisipan ng  drayber na si Frederico “Boy” Tiozen Jr. Base sa inupload na mga larawan sa Facebook ni Rhona May Romano, makikitang may mga karton ng juice sa upuan ng sasakyan na siyang magiging gabay sa distansya ng bawat pasahero.

Bukod pa riyan, naka-gloves  din si manong at dini-disinfect pa ang mga baryang panukli.

Siya ay may biyaheng Ermita-San Andres Bukid sa Maynila .

Ayon sa mga patnubay na inilabas ng DOTr, hindi dapat lalagpas sa kalahati ng normal na kapasidad kasama ang drayber ang laman ng lumang dyip. Kaya naman kahanga-hanga si manong sa pagsunod nito para na rin sa kapakanan ng kalusugan ng mananakay.

Imahe via Rhona May Romano | Facebook

Narito ang reaksyon ng mga netizens.

“See? If there’s a will, there’s a way. Good job manong driver.”

“Well done, manong! This must be commendable and hope to inspire others to do the same. God bless you, manong! Keep safe and healthy.”

“Salute sir. Hindi mo iniisip ang kita basta makapagserbisyo nang maayos. Mas inuuna mo ang kapakanan at kalusugan ng mga pasahero. May God bless you more. Ito ang malaking #sanaall”

Samantala, may nagmungkahi naman na sana’y dagdagan ng kaunti ang bayad kay manong bilang tulong na rin sa kanyang kabuhayan dahil kaunti lang ang maaari niyang isakay sa biyahe.

Sana’y tularan ito ng iba. Sa panahon ngayon, mas mabuti nang makipagtulungan tayo sa gobyerno imbes na magreklamo dahil wala silang hangad kundi ang kaligtasan natin at ng buong bansa.

Source :

Facebook, Facebook

Loading…