Social Distancing, inihalintulad sa bunga ng mais na magkalalayo ang mga butil

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook, Imahe via Pixabay
  • Inihalintulad sa magkakalayong mga butil ng bunga ng mais ang social distancing na siyang pinapairal ngayon upang masugpo ang pagkalat ng coronavirus
  • Sang-ayon naman ang mga netizens na marami talaga ang matitigas ang ulo at mabuti pa raw ang mais sa halimbawa at nakasusunod

Sa panahon ngayon ng pagkalat ng coronavirus, laging paalala ng Kagawaran ng Kalusugan ang social distancing.

Imahe via Marky Marky | Facebook

Ang social distancing ay ang pagdistansya ng isang metro  sa isang tao. Layunin nitong maiwasan ang pagkalat ng virus.  Lalo na sa mga matataong lugar gaya ng supermarket, lagi nating isaisip na gawin ito.

Subalit sadyang matitigas ang ulo ng Pilipino.  Mukhang may iilan na minamaliit lang ang posibilidad na maaari silang dapuan.  Marami pa rin ang siksikan sa pila halimbawa na lang  sa ilang barangay na nagbibigay ng mga pagkain ngayon panahon ng quarantine. Nag-uunahan sa pila ang mga tao at nakalilimutan na ito.

Kaya pati ang Facebook page na Magssaka Mabuhay Ka, nagkaroon na rin ng paalala.  Inihalintulad ang social distancing sa isang bunga ng mais na nagkaroon ng konting butil at magkalayo pa. Sabi nito, “ Mabuti pa ang mais nakaiintindi ng social distancing.”

Hindi naman perpektong magkalayo lahat ng butil ngunit kahit papaano naipahihiwatig nito ang kahulugan ng social distancing. Sa normal na bunga ng mais kasi alam nating mgkakadikit-dikit ang mga butil nito ngunit sa pamabihirang pagkakataon, nagkahiiwalay ito na maaaring dulot ng sakit o henetiko.

Sang-ayon naman ang mga netizens sa paghahalintulad.

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook

“Talagang ang mga magsasaka nakakaintindi ng social distancing kasi lahat ng mga panamin nila may mga distansya para maganda ang mga bunga.”

“Pag tinamaan na po sila doon pa lang magkadidisiplina. Ang hirap pati yung naka-stay at home nadadamay.”

“Pati rin po sa Hawaiian pizza may social distancing ang pineapple.”

Ayon sa pinakahuling balita, pinalitan na ng World Health Organization ang paalalang social distancing para mas tugma ito sa mensaheng nais nilang ipaabot. Ginawa na itong physical distancing na ang ibig sabihin ay pisikal na may distansya ka sa isang tao ngunit sa sosyal na aspeto ay may koneksyon ka pa rin lalo na sa mga mahal mo sa buhay.

Sana sumunod na tayong lahat para mas madali nating maagapan ang pagkalat ng coronavirus. Tandaan ang physical distancing.

Loading…