Tatay na napabayaan ng mga anak, kumikita sa pagtatahi ng sapatos sa kanyang barong-barong

IMahe via Kho Hal Mha | Facebook
  • Ikinuwento ng isang netizen sa social media ang kahabag-habag na kalagayan ng isang tatay na naninirahan sa tabi ng daan
  • Nakatira siya sa barong-barong at kumikita sa pagtatahi ng sapatos
  • Pinabayaan na raw siya ng kanyang mga anak kaya ishinare ng netizen ang kanyang kuwento para matulungan si tatay

May mga magulang na nagsisikap pa rin sa paghahanapbuhay kahit may edad na. May ibang nais pa ring kumita subalit ang iba nama’y kailangan itong gawin dahil tila nakalimutan na ng mga mahal sa buhay.

Imahe via Kho Hal Mha | Facebook

Ikinuwento sa Facebook ni Kho Hal Mha ang kalagayan ng isang tatay na naninirahan sa gilid ng daan ng diversion road ng Lungsod ng General Santos. Bumaba siya sa sasakyan at nilapitan si tatay. Nagtatahi siya ng sapatos ng mga sandaling iyon. Subalit natigatig ang netizen sa kanyang nakita. Sa isang barong-barong nakatira ang matanda.

Siya si Rolando Diaz Pascua na mula sa Nasipit, Agusan del Norte. Hindi malinaw kung paano siya napunta ng Gensan. Nagtanong si Kho Hal Mha kung nasaan na raw pala ang kanyang mga anak. Pinabayaan na raw siya. Ayaw na rin daw niyang umuwi sa kanila at mas gusto pa niyang magtahi na lang ng sapatos sa barong-barong niya.

Imahe via Kho Hal Mha | Facebook

Naawa ang netizen at nagbigay siya ng pera dito. Naiyak si tatay pagkat malaking halaga na raw ‘yon para sa kanya. Napansin din ni Kho Hal Mha ang larawan ng Panginoon na nakasabit sa loob ng kanyang barong-barong.

“Kahit nasa ganitong kalagayan siya, hindi siya nakalimot sa Panginoon,” salaysay niya.

Kuwento niya sa Kicker Daily News, marami naman daw ang nagpapatahi ng sapatos at nagbibigay ng pagkain. Kaya nga siguro mas gusto niyang manatili roon dahil marami ang nagmamahal sa kanya.

Imahe via Kho Hal Mha | Facebook

Panawagan ni Kho Hal Mha na i-share ang kanyang post para makarating ito sa kung sino ang maaaring makatulong kay tatay.

Huwag sana nating pabayaan ang ating mga magulang sa kanilang pagtanda.  Alalahanin natin ang lahat ng sakripisyo nila  sa pagpapalaki sa atin.

Hangad namin na makauwi ka na sa inyo, tay at baka may mga kamag-anak ka pa na maaaring tumulong sa iyo para magkaroon ka ng maginhawang buhay. malay natin; baka hinahanap na rin siya n gkanyang mga kaanak.

Source :

Facebook

Loading…