Tsinelas at iba pa, kinaaaliwang ‘work of art’ ng mga aso

Imahe via Lorenz Raphael | Facebook
  • Tampok sa post ni Lorenz Raphael ang larawan ng nginatngat na tsinelas matapos paglaruan ng alagang tuta
  • Ibinahagi rin ng mga netizens ang iba pang mga nasirang gamit ng kanilang mga aso
  • Hindi naman makuhang magalit ng mga may-ari, bagkus nagiging kaaliwan na lamang ang mga “work of art” ng alaga

Sa larawang inupload ni Lorenz Raphael sa Facebook makikitang gutay-gutay na ang gilid ng tsinelas dahil nginatngat na ito ng tuta. Tinawag pa niya itong the ”artist” (aso) at “art” (tsinelas). Magagalit ka pa ba? Tiyak na mapapailing ka na lang sabay buntung-hininga. Hay naku!

Imahe via Lorenz Raphael | Facebook

Hindi lamang tsinelas ang nasisira kapag napaglaruan ng aso. Kuwento pa ng isang netizen, “Maraming tsinelas at shoes na ang naging biktima ni Pulgas. Isama ko pa ‘yung mga damit, basahan, towel na naabot niya.”

May nagbahagi rin na siyam ang kanyang mga alagang aso kaya linggo-linggo siyang may bagong tsinelas dahil sinisira nila.

“Mga bibo rin ‘yong mga alaga naming aso. Marunong silang magbaklas ng mga kumot sa sampayan. Saka lang nila bibitawan pagkatapos nilang malagyan ng mga design at burdang punit-punit,“ kuwento ni Rose Aquino.

Imahe via Lizbeth O. Abcede | Facebook

Salaysay naman ni Juanita Tegonciang Operario, “Marami na kaming naging alagang aso pero eto ‘yung pinakamaloko. Lahat ng socket or wire ng mga appliances na hindi naka-plug like ng computer, aircon, speaker, tsinelas, sapatos, basahan, unan, kumot, sofa, stuff toys,at cabinet nangatngat lahat.”

Bakit nga ba mahilig ang tuta sa ganitong gawain?

Ayon sa artikulo ng Slippers Owner, normal lamang ito sa tuta dahil bahagi ito ng paggalugad nila sa kanyang kapaligiran. Dumadaan din ito sa teething period at ang pagkagat sa mga ganitong bagay ay nakababawas sa sakit ng pagtubo ng mga ngipin. Kapag lumaki na, ang pagngangatngat ay senyales ng kanilang pagkakabagot o pagkabalisa. Minsan paraan din nila ito upang linisin ang kanilang mga ngipin.

Imahe via Mary Grace Malang Luardo | Facebook

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga nasirang kagamitan, hindi makuha ng mga may-ari na magalit dahil mahal na mahal nila ang kanilang mga alaga. Nagsisilbing babala na lang ito upang ilayo sa mga aso ang mga mahahalagang bagay.

May larawan ka ba ng mga work of art ng iyong alaga? Ibahagi mo naman sa amin.

Loading…