Indiano, may libreng pakain ngayong panahon ng quarantine: ‘All people, free eating here!’

Imahe via Jirah Joy Padama | Facebook
  • Nag-alok ng libreng pakain ang isang Indiano sa dalawang dalagita na naghahanap sana ng mapagbilhan ng ulam
  • Makailang beses na sinubukang magbayad ng dalawa ngunit ayaw niya itong tanggapin
  • Ang Indiano ay umani ng saludo at papuri dahil sa malasakit niya sa mga Pilipino

Nakatutuwang isipin na marami ang handang magbigay ng kanilang biyaya sa iba na mas nangangailangan kahit sila ay hindi natin kalahi.

Imahe via Jirah Joy Padama | Facebook

Ito ang dahilan kung bakit ibinida ni Jirah Joy Padama ang isang Indiano.

Kuwento niya sa Facebook, naglalakad umano sila ng kasama niyang si Danica Jane Montegrico para maghanap ng mabibilhan ng ulam nang tinawag sila ng Indiano.  Nag-alok siya ng libreng pakain dahil daw sa pandemic situation.

Ang resttaurant sa Cainta na may pangalang  Star Punjabi Dhaba ay nagbebenta ng Indian specialty dishes sa abot-kayang halaga. Sa labas ng kanyang kainan, may nakasulat pa na “All people free eating here!!”

Kumain na rin sina Joy at ng kasama niya. Subalit, ilang beses nila sinubukang magbayad pero tinanggihan ito ng Indiano.

Imahe via Jirah Joy Padama | Facebook

“Ang bait naman. Super nakaka-good vibes si sir. Kahit na ibang nationality siya, gusto niya pa ring tumulong. Sa mga Pinoy. Star Punkabi Dhaba, God bless you po!” sabi ni Jirah sa kanyang post.

Maraming netizens ang humanga sa kanyang kabaitan.

“When this crisis ends, this one will be blessed. Good people help good people as well. God bless good people.”

“Ganito sana open na mga kainan now. No matter what, kahit wala sila kikitain, basta makatulong sila. Maging ano man o sino sila, sa ganitong paraan man lang ay maipakita nila na mayroon silang puso na puwedeng maaasahan mg kapwa. I salute you sir. Umasa ka doble ang balik sa’yo sa ginawa mo. Eto madami pa po sana ang maging katulad ninyo. Salamat  po.”

Imahe via Jirah Joy Padama | Facebook

Samantala, Isang grupo rin ng mga Indiano ang namigay ng mga food packs sa ilang kabahayan ngayong may quarantine. Imbes na maningil ang mga Bumbay sa mga may utang sa kanila, ipinagpaliban muna nila ito.

Patunay lamang ito na para sa mga banyaga, hindi tayo naiiba. Itinuring nila tayong mga kababayan nila na handa nilang tulungan nang walang kapalit.

Loading…