‘Halos lahat kami napuwing, maluluha ka na lang’: Mikael binalikan ang emosyonal na kasal nila ni Megan

Images via Mikael Daez | Instagram
  • Binalikan ng aktor na si Mikael Daez ang emosyonal na araw ng kasal nila ni Miss World 2013 Megan Young 
  • Sa Instagram, inalala ni Mikael kung paanong halos lahat sila ay waring “napuwing” sa sandali ng pag-iisang-dibdib nila ng kanyang longtime girlfriend
  • Aminado rin ang Kapuso actor na siya ang “pinakanapuwing” kaya “wa-poise” na siya sa kaiiyak

Pagkalipas ng ilang buwan, binabalikan pa rin ng aktor na si Mikael Daez ang isa sa pinakamagagandang araw sa buhay niya: ang pag-iisang-dibdib nila ni Miss World 2013 Megan Young.

Image captured from Instagram

Sa Instagram, inalala ni Mikael ang emosyonal na kasal nila ng kanyang longtime girlfriend at kung paanong halos lahat sila ay waring “napuwing” sa sandaling iyon.

“January 25 was a very memorable day. What stands out the most was how dusty it was in Subic. Halos lahat kami napuwing. Sa sobrang daming alikabok, maluluha ka na lang,” saad niya sa caption ng mga litratong ini-upload niya sa popular photo-sharing app.

Aminado rin ang Kapuso actor na siya ang “pinakanapuwing” kaya “wa-poise” na siya sa kaiiyak noong panahong iyon.

“Ilan sa amin, may poise noong maiyak. Ako, wa-poise na. Ang hapdi ng alikabok, e. Ako yata ‘yong pinakamatinding natamaan. Pero in fairness, sarap ng tama. Nakaka-in love pala mapuwing,” pagpapatuloy ng aktor.

As of writing, nakakuha na ng halos 58,000 reactions ang post ni Mikael. Pinasalamatan siya ng maraming social media users sa pagbabahagi niya ng mga nakaaantig na tagpo mula sa espesyal na araw nila.

“Golly, the pictures are super and the ‘story’ is creative and funny–kilig overload! Thanks for sharing,” saad ni @dimsumqueen11.

“Hi, @mikaeldaez and @meganbata, me and my mom are your fans. Alam namin na sobrang tagal ninyong couple and inaantay namin talaga na ikasal kayo. I hope you notice this message since my mom is happy for the both of you!” kumento ni @kayeflicks.

“I’m not crying, you’re crying!” wika naman ni @jenymcneil.

Loading…