‘Learning on Distance Initiative’ inilunsad ng isang guro sa Iloilo para sa mga bata ngayong may quarantine

Imahe via DepEd Philippunes | Facebook
  • Gumawa ng inisyatibo ang isang guro sa Iloilo upang patuloy ang edukasyon sa bahay ng mga bata kahit na may quarantine
  • Ito ang LODI o “Learning on Distance Initiative” na personal niyang pinondohan
  • Ang programang ito ay nagbibigay ng mga worksheets sa mga bata upang hasain sila sa iba’t ibang asignatura

Hinangaan ang isang guro sa Gumbal, Iloilo dahil kahit na may lockdown, hindi siya nawalan ng paraan upang patuloy na hasain ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Imahe via DepEd Philippines | Facebook

Laman ng balita ng Deped Philippines ang galing ng programang LODI na binuo ni Dr. Lodrigo Basco Jr., MAPEH Department Head ng Guimbal National High School.

Ang LODI o “Learning on Distance Initiative” ay isang COVID-19 literacy program na pinondohan niya mula sa sariling bulsa. Para sa kanya, anuman ang pinagdadaanan natin ngayon, patuloy pa rin dapat ang pagpapatatag ng kanilang pundasyon.

Sa programang LODi, nasa 300 na learners ang nabigyan ng mga worksheets sa apat na barangay ng Guimbal. Layunin niyang sa pamamagitan ng mga ito ay linangin ang numeracy skills at identification of letters sa pre-school. Ang ibang worksheets naman ay para sa reading at writing skills.

Imahe via DepEd Philippines | Facebook

Malaking tulong din ang proyektong ito para sa pagpapatibay ng samahan ng pamilya.

Ayon kay Dr. Lodrigo, “One of the objectives is to develop strong bond ng mga bata and their parents. ‘Yung parent/guardian or elder siblings will be the one to assist and guide the child.”

Nais niyang palawigin pa ang programang ito dahil sa magandang puna ng mga bata. Kuwento niya, nang mamigay siya ng mga worksheets, masayang-nmasaya raw sila at napapaindak sila nang makita ang mga ito.

Katuwang niya  rito ang mga volunteers na tumutulong bilang taga-check at nagbibigay ng remarks sa mga papel.

Imahe via DepEd Philippunes | Facebook

Panawagan ni Dr. Lodrigo sa mga bata at mga magulang na sana’y hindi hadlang ang COVID sa pagpapatuloy ng edukasyon sa bahay.

“Sa pagkakataong ito, sana lahat ng mga bata ay patuloy na mag-aral sa loob ng bahay kaagapay ang mga magulang. Education must go on. Hindi hadlang ang COVID-19 para mahinto ang pag-aaral ng bata.”

Source :

Facebook

Loading…