Libreng dalawang kilong bigas alok ng isang kapitbahay, puwede pang umulit pag ubos na

Imahe via Mark Macabale, | Facebook Imahe via Canva
  • Ipinagmalaki ng isang taga-Bukidnon ang tagaroon sa kanila dahil sa pamimigay nito ng dalawang kilong bigas sa mga hihingi na kapitbahay
  • Ang nakabibilib pa, puwede kang pabalik-balik hanggang sa matapos ang lockdown
  • Marami ang natuwa ngunit may mga nagdududa rin na kakayanin ito ng namimigay

Ang dami na nating nababasang mga kuwento ng mabubuting tao ngayong panahon ng taghirap. May ilan na namimigay ng sako-sakong bigas sa isang komunidad, may nagbibigay naman ng mga sanitizers at PPEs sa mga frontliners at marami pang iba. Ngunit may isang  pamilya na ang handog sa kanilang mga kapitbahay ay tiyak na magpapa-sana all sa iyo.

Imahe via Mark Macabale | Facebook

Dahil dito, hindi maiwasang ipost ni Mark Macabale mula sa Valencia, Bukidnon ang kabaitan ng isang pamilyang tagaroon sa kanila.

Pahayag niya sa Facebook, “Shout out sa aming kapitbahay! Hindii sila super yaman kagaya ng iba. Small business lang ang kanilang inaasahan pero tingnan ninyo ang ginawa nila para sa kapitbahay. Daghan mga dato pero nagsitago. [Maraming mayayaman pero nagsitago.]”

Naglagay kasi ng karatula ang pamilyang tinutukoy niya na nagsasabing mamimigay sila ng bigas sa kanilang mga .kapitbahay sa Purok 12. Ayon sa nakalagay,” Kung wala kayong bigas, lapit lang kayo. Magdala lang ng lalagyan.” Dalawang kilo kada bigay ang sabi rito. At eto pa may pahabol,” Puwedeng pabaik-balik hanggang wala nang lockdown.” O ha! Ang bait naman talaga.

“A big salute to you, ma’am and sir. Sana all!” pagpupuri ni Mark.

Bukod pa riyan, namimigay din sila ng itlog at kamoteng kahoy. At kahit na dalawang kilo lang ang nakasaad sa kanilang pahayag, apat na kilo raw ang ipinamigay nang araw na iyon, nang nagpost si Mark.

Imahe via Canva

Sa bilis ng pagkalat ng magandang balita na ito, umabot na sa 14k reactions at 9.8K shares ang kanyang post.

Ngunit hati ang reaksyon ng mga netizens. May mga natuwa, mayroon namang nagsabing hindi ito kapani-paniwala.  Huwag na sana tayo maging negatibo at suportahan na lang ang pagtulong ng ibang tao. Siguro naman ay ‘yung sadyang gipit na gipit lamang na kapitbahay ang lalapit at hihingi, ‘di po ba?

Sabi naman ng isang netizen, “May puso ang taong ito sa kanyang kapwa kaya nararaat na mahalin siya at galangin ng ikanyang kapwa sa kabutihang ikanyang ginawa.”

Source :

Facebook

Loading…