Magsasaka sa Negros, ugaling mamigay ng saging sa mga frontliners sa checkpoint

Imahe kuha mula sa video ni Don Paulo Rodriguez via Facebook
  • Namigay ng saging sa mga frontliners sa checkpoint ang isang magsasaka sa Negros Oriental
  • Nakunan ito ng video ng isang guro at in-upload niya ito sa social media upang maka-inspire ng iba
  • Hinangaan ng mga netizens ang magsasaka dahil kahit kapos siya sa buhay nagagawa niya pang mamigay sa iba

Nakatutuwang tingnan ang mga ordinaryong tao na tumutulong sa mga frontliners sa paraang kanilang makakaya.

Imahe kuha mula sa video ni Don Paulo Rodriguez via Facebook

Sa Barangay Hunop, Pamplona, Negros Occidental, isang magsasaka na nagngangalang Joseph Rocamora ang dumaan sa checkpoint. Kasama nito ang kanyang kalabaw na may hila-hilang paragos na may kargang saging. Tumigil si Mang Joseph upang mamigay ng saging sa mga frontliners. Hindi naman daw nagtaka ang mga frontliners dahil gawain na raw niya ito.

Nakunan ito ng video ni Don Paulo Rodriguez at ipinost sa Facebook. Siya ay isang public school teacher na naroon din sa checkpoint nang panahong iyon. Ayon sa kanya, kaya niya kinunan ito ng video ay para maka-inspire pa sa iba na tumulong. Bumili na rin daw ang ilan sa kanila bilang supporta sa kabuhayan ni Manong Joseph.

Umabot na sa 1.4M views ang video ni Don Paulo at may 67K reactions at 59K shares.

Nakatanggap ng papuri ang simpleng kabaitan ni Manong Joseph.

Imahe kuha mula sa video ni Don Paulo Rodriguez via Facebook

“Wala nang tatalo nito. ‘Yan ang taong kontento na sa buhay. Mapagbigay pa. Ang sarap ng ngiti. God bless you, dong.”

“Ito siya ang totoong mapagbigay ng mula sa puso. No need na ang pictorials or recognition. If I was there, I could have given more in exchange. Mabuhay ka kuya. Maka touch masyado ang kabaitan mo kuya! God bless you with a hundred folds of blessings.”

“Those who have less in life are the most generous ones because they know how it feels to have nothing.”

Maraming salamat, Manong Joseph, sa pagbibigay ng lakas sa ating mga frontliners.

Saksihan ang video rito.

Source :

Facebook, CDN

Loading…