Memory lane: Throwback photos ng dating child star na si Alexa Ilacad, kinagiliwan

Images via Alexa Ilacad | Instagram
  • Isa na ngayon sa mga promising young actresses ng ABS-CBN ang dating child star na si Alexa Ilacad
  • Sa Instagram, kinagiliwan at nagdala ng nostalgia sa social media users ang throwback photo na ibinahagi niya kamakailan
  • Unang nakilala si Alexa bilang isang young commercial model sa television ad ng Vaseline

Unang kinagiliwan sa isang shampoo commercial, isa na ngayon sa mga promising young actresses ng ABS-CBN ang dating child star na si Alexa Ilacad na kamakailan lang ay inanunsyong magiging isa sa mga lead characters ng Four Sisters Before the Wedding, ang prequel ng hit 2013 film na Four Sisters and a Wedding.

Image captured from Instagram

Kaya naman kinagiliwan at nagdala ng nostalgia sa social media users ang mga throwback photo na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account.

Parang kailan lamang daw kasi ay pinasasaya sila ng child star na tampok sa Sunday television program na Goin’ Bulilit at gumaganap lamang na batang bersyon ng mga artista noon. Napansin din nila na walang pinagbago ang aktres dahil hanggang sa magdalaga ito ay talaga namang napakaganda pa rin, bukod pa sa pananatili ng husay nito sa pag-arte.

“Walang pinagbago. Cute as always,” saad ng Instagram user na si @khewljack.

“Bata pa lang maganda na talaga,” kumento ni @leslhieasuncion.

“Super cute, na-remember ko tuloy ‘yong commercial mo ng shampoo,” pagbabalik-tanaw naman ni @cinz_cinditay.

Matatandaang unang nakilala at kinagiliwan si Alexa bilang isang young commercial model sa television ad ng Vaseline, kung saan siya ay gumanap bilang isang flower girl.

As of posting, nakakuha na ng lampas 106,000 na favorites ang mga litratong ini-upload ng young actress. May mga social media user din na nagsabing may hawig ang batang Alexa sa panganay na anak nina Doug Kramer at Chesca Kramer na si Kendra.

Image via Chesca Garcia Kramer | Instagram
Source :

Instagram

Loading…