Samgyup On The Way: Samgyupsal, maaari nang ipa-deliver sa mismong bahay

Images via @samgyupontheway and @kiraycelis | Instagram
  • May kanya-kanyang kinasasabikang kainin ang bawat isa sa gitna ng enhanced community quarantine
  • Kabilang ang samgyupsal sa “cravings” na madalas mababasa sa social media
  • Ngayon, maaari nang ipa-deliver sa mismong bahay ang Korean food na ito sa pamamagitan ng serbisyong ibinibigay ng Samgyup On The Way

Sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine para labanan ang COVID-19, may kanya-kanyang kinasasabikang kainin ang bawat isa; mga pagkaing malabong matikman nang hindi lumalabas sa tahanan.

Kabilang ang samgyupsal sa “cravings” na madalas mababasa sa social media.

Image captured from Samgyup On The Way

Pero ngayon, puwede nang makakain ng Korean food na ito kahit pa nasa bahay — salamat sa delivery service na ibinibigay ng Samgyup On The Way.

“Do you miss samgyupsal? Even if you’re quarantined at home, you can now satisfy your cravings and enjoy quality food with your family and friends! We have samgyupsal, side dishes, and desserts that you can order for delivery in Metro Manila via Lalamove or GrabFood,” ayon sa Instagram post nito.

“We provide high-quality meats and sides delivered straight to your doorstep. No need to go out of the house!” saad pa nito.

Isa ang aktres na si Kiray Celis sa mga nagrerekomenda ng Samgyup On The Way.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kiray ang larawan ng kanyang samgyup experience sa kanilang tahanan. Makikita rito na katulad din ng nasa restaurant ang mga nasa hapag niya — ang pinagkaiba lamang ay nasa bahay siya.

“Hindi makalabas? No problem! Alam kong kagaya ko kayo na matagal nang nagke-crave sa samgyupsal! Nagde-deliver ang @samgyupontheway! Check niyo website nila,” saad niya sa caption ng litratong kanyang ini-upload sa popular photo sharing app.

Image captured from Instagram

Bukod kay Kiray, nagpa-deliver na rin ang mga aktres na sina Gabbi Garcia at Sue Ramirez, at ang disk jockey na si Eva Ronda. Nagbahagi rin ang mga ito ng Instagram story tungkol sa kanilang samgyupsal experience habang nasa bahay.

Loading…