PPE packs with sweets: Easter chocolates ni Scarlet, ‘di masasayang kahit walang Holy Week activities

Images via @victoria_belo | Instagram
  • Hindi masasayang ang Easter chocolates ni Scarlet Snow Belo kahit pa suspendido muna ang mga Holy Week activity dahil sa banta ng COVID-19
  • Sa Instagram, ibinahagi nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho ang larawan ng anak habang tumutulong sa paglalagay ng sweets sa bawat PPE pack na ido-donate nila
  • Bukod pa rito, bawat kahon ng PPE packs ay mayroong personal touch dahil sa mga drawing ni Scarlet

Sa kabila ng pagsuspinde sa Holy Week activities ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19, hindi masasayang ang Easter chocolates ni Scarlet Snow Belo. Sa katunayan, may mas maganda pang mapupuntahan ngayon ang mga ito.

Image via @victoria_belo | Instagram

Sa Instagram, ibinahagi nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho ang larawan ng kanilang anak habang tumutulong sa paglalagay ng sweets sa bawat personal protective equipment (PPE) pack na kanilang ido-donate sa mga health worker na hindi iniinda ang mga banta sa kanilang kalusugan habang patuloy na inaalagaan ang mga may sakit na kababayan.

“We bought chocolates for @scarletsnowbelo’s Easter Egg Hunt. But instead, we are giving it as an energy boost [to health workers], [adding some] in all the packs we are making,” saad ni Dra. Vicki sa caption ng litrato nila ni Scarlet. “Our packs contain N95 masks, ordinary masks, gloves, caps, and chocolates.”

“Add some chocolates to every PPE pack. Why not?” wika naman ni Hayden.

Bukod pa rito, bawat kahon na pinaglalagyan ng mga PPE pack na ipamamahagi nila ay mayroong personal touch dahil sa mga drawing ni Scarlet.

Ikinatuwa ng social media users kung paanong sa murang edad ng paslit ay isinasali na ito ng kanyang mga magulang sa mga ginagawa nila para makatulong sa iba. Maganda raw na makalakihan ng bata ang ganitong mga bagay upang maging matulungin din ito sa kanyang pagtanda.

Image via @dochayden | Instagram
Source :

Instagram, IG

Loading…