‘Pssst. Maligo ka na. Ang asim mo na’: Paalala ng PEP nagpatawa sa mga netizens

Imahe via pep.ph | Facebook | Imahe via Pixabay
  • Nagbigay ng paalala ang PEP na siya namang nagpabigla ngunit nagpatawa sa mga netizens
  • Nagpaalala ito sa mga bumabasa na “maligo na dahil maasim na”
  • Ngayong may ECQ, kahit tayo ay nasa bahay, importante pa rin ang maligo para makaiwas sa virus

Kamusta kayo matapos ang mahigit isang buwan ng pagkukulong sa bahay? Nakababagot na ba? O nakatatamad? O baka kayo naman ay hiyang na hiyang na dahil tulog, kain at laro lang ang inyong inaatupag. Baka naman nakalilimutan n’yo nang maligo.

Imahe via pep.ph | Facebook

Dahil diyan may paalala ang PEP. Oo tama kayo. Ang PEP nga.

“Pssst. Maligo ka na. Ang asim mo na.” Hahaha. Madami ang nagulat dahil hindi balitang artista ang hatid ng entertainment news site. Ngunit pumatok din ito sa mga netizens.

“Thank you PEP at may ganyan kayong reminder. Karamihan sa media outlets ang sinasabi lang kasi ay maghugas ng kamay. Lalo na’t summer ngayon, importante ang maligo.”

“Sa lahat ng post! Dito ako natuwa.”

“Sorry naman sinunod ko lang naman ‘yung sinabi ng DOH na palaging maghugas ng kamay.” Palagi kasing pinapaalala sa atin ang maghugas ng kamay para iwas COVID. Pero oo nga, mas mainam pa rin ang maligo lalo na’t kagagaling mo lang sa labas.

Imahe via Pixabay

“Buti na lang talaga naligo na’ko. Nabuang na si PEP. Pati pagligo ng tao inalala pa! Bored na PEP. Wala ka na ma chika sa’min.”

Kasama na sa tradisyon ng bawat Pilipino ang maligo araw-araw lalo na kapag papasok sa trabaho at maliligo ulit bago matulog. Ngayong tag-init, sumusobra pa sa dalawang beses sa isang araw kung maligo ang ilan. Nagpapalamig kasi ito ng katawan, nagtatanggal ng dumi, at ‘di magandang amoy at inaalis ang mga kumakapit na mikrobyo.

Subalit dahil sa ECQ kung saan hindi na lahat ang pumapasok sa trabaho, may mga nakalilimot o naipagpapaliban ito dahil sa sobrang abala sa panonood ng TV o paglalaro.

Kaya muling paalala ng PEP dahil amoy-asim ka na, maligo ka na nga naman!

Source :

Facebook

Loading…