Sa kabila ng krisis: Centenarians sa Marikina, nakatanggap pa rin ng parangal, karagdagang benepisyo

Images via Cristy Comiles | Facebook
  • Binisita at pinarangalan ng alkalde ng Marikina City ang mga centenarian sa lungsod
  • Sa Facebook, ibinahagi ng DSWD-NCR ang pagbisita ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa mga nag-100 taong gulang na
  • Ayon sa ahensya, patuloy ang paggawad nito ng parangal at karagdagang benepisyo sa kabila ng krisis

Sa kabila ng pagiging abala sa gitna ng COVID-19 crisis, personal na binisita at pinarangalan ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang mga centenarian sa lungsod.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) ang pagbisita kamakailan ng alkalde sa mga nakatatanda na tumungtong na sa 100 taong gulang.

Ayon sa ahensya, patuloy ang paggawad nito ng parangal at karagdagang benepisyo sa mga centenarian sa kabila ng krisis na kinahaharap ngayon ng bansa.

“Patuloy ang paggawad ng parangal at karagdagang benepisyo ng DSWD-NCR sa mga centenarian (mga nakatatandang may edad na 100), sa kabila ng unos na dala ng kasalukuyang pandemya. Ngayong araw, buong galak na binisita at pinarangalan ni Alkalde Marcelino Teodoro, kasama ang mga kawani ng DSWD-NCR, ang tatlong centenarians mula sa Lungsod ng Marikina na sina Lolo Pirmitivo, Lola Lucila, at Lola Donata; mga lolo at lola na ipinanganak noong taong 1919,” saad ng DSWD-NCR.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10868 (Centenarians Act of 2016), ang mga Pilipinong nabubuhay ng 100 taon ay makakatanggap ng cash gift na nagkakahalaga ng P100,000 mula sa DSWD.

Pinasalamatan ng social media users ang alkalde at ang mga kawani ng DSWD sa pagpunta ng mga ito sa bahay ng mga nakatatanda para ihatid ang parangal at ang suporta sa mga ito ng pamahalaan. Batid daw nila na hindi madaling magbahay-bahay sa panahong ito dahil sa dami ng mga kailangang asikasuhin, ngunit ginawa pa rin ng mga ito para sa mga centenarian.

Image captured from Facebook

Loading…