Yorme, may nakatatawang meme bilang paalala na baka dito napunta ang ipinamigay na P1,000 ng lokal na pamahalaan

Imahe via Davin Reyes | Facebook. Imahe via Josephine Quilala Cayanan | Facebook
  • Namigay ng P1,000 sa bawat pamilya ang lokal na pamahalaan ng Maynila matapos maaprubahan ang  City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF)
  • Dalawang araw mula nang mamahagi, may nakatatawang meme si Yome sa kanyang FB page
  • Nadulot ito ng katatawanan sa gitna ng kinakaharap na pagsubok ngunit paalala na rin ito na gamitin nang wasto ang pera

Si Manila Mayor “Isko Moreno” Dumagoso na yata ang isa sa pinakaaktibong mayor sa Pilipinas. Palaging may bagong balita ang kanyang Facebook page na para bang ang dami niyang ginagawa at halos hindi na nakatutulog.

Imahe via Isko Moreno Dumagoso | Facebook

Lalo na ngayong dumadaan sa krisis ang ating bansa dahil sa COVID-19, hands on siya parati sa kanyang mga programa upang masubaybayan kung tama ba ang pagpapatupad nito at upang matugunan agad kung ano man ang mga pagkukulang.

Bukod sa mga relief goods, namigay din ng P1,000 kada pamilya ang pamahalaang lungsod mula sa City Amelioration Crisis Assistance Fund (CACAF).  Noon April 7 ay nasimulan nang ipamahagi sa mga punong barangay ang pondo.

Dalawang araw makalipas, may ishinare na meme si Yorme sa kanyang Facebook page na talaga namang nagpatawa sa lahat.

“Pinang-rebond ‘yong 1k na galing sa city hall.” Kasunod nito ang larawan ni Yorme na nakapamaywang at seryoso ang mukha. Haha.

Galing talaga ng sense of humor ni Yorme. Sino ba naman ang hindi mapatatawa. Dahil dito, dagsa ang mga kumento ng netizens. Ipinost nila ang larawan ng 1k na kanilang natanggap. at yong iba, ipinakita na rin kung ano na ang mga nabili nito.

Imahe via Davin Reyes | Facebook

“Thank you, Yorme, for not losing your sense of humor. We desperately need doses of it in times like these. God bless po.”

“Mayor Isko Moreno Domagoso I salute you, amazing mayor. Napatawa tuloy ako hehehe. Ang galing ng sense of humor mo kahit pagod kana po diyan. Be safe. Take care always and you’re family.  Allah bless us all.”

Ang post na ito ay isa sa may pinakamataas na reactions sa kanyang page. 147k reactions, 8.3k comments at 25K shares lang naman ang inabot nito.

Ang meme ay gawa naman ni Davin Reyes. Isang paalala na rin ito na gamitin sa wastong paraan ang pera para mapakinabangan ng pamilya.

Samantala, siguradong walang nakapagpaunat ng buhok dahil sarado ang mga parlor dala ng quarantine. Hahaha.

Loading…