Babae kinasuhan dahil nagpumilit pumasok sa barangay kahit na naka-hard lockdown

Imahe kuha mula sa video ng Viral na To | Facebook
  • Tiklo ang isang babaeng nagpumilit pumasok sa barangay kahit na naka-hard lockdown
  • Idinadahilan niyang may ihahatid lang na gamit sa kanyang kakilala
  • Sinuway pa rin niya ang mga awtoridad kaya patong patong na kaso ang kinakaharap niya ngayon

Kinasuhan ng awtoridad ang babaeng nagpumilit pumasok sa isang barangay kung saan umiiral ang hard lockdown.

Imahe kuha mula sa video ng Viral na To | Facebook

Narito ang salayasay ayon sa dokumentong nailabas sa social media.

Mayo 14 ng alas dose ng tanghali, sa Service Road cor. Ramelon St. Barangay 156, Bagong Barrio, Caloocan City, isang babae ang biglang dumating sa lugar na may checkpoint. Hindi siya nakasuot ng face mask at akmang papasok sa barangay kung saan hindi naman siya residente roon. Bitbit ang isang bag, iginiit niyang may ibibigay lang siyang gamit sa kanyang kakilala.

Pinigilan siya ng mga awtoridad at pinagsabihang hindi pupuwede dahil naka-hard lockdwn ang barangay. Sa halip, inalok siya ng tullong upang maayos ang kanyang hiling ngunit lalo lang niya itong ikinagalit. Naglakad na siya lagpas ng harang habang sinusubukan pa rin siyang pigilan ng isang enforcer. Lalo siyang nainis dahil hindi napagbigyan kaya nagbitaw siya ng mga maaanghang na salita.

“Mga g*go pala kayo!  Pinagtutulungan n’yo ako porke babae ako.” Iilan lamang iyan sa mga matatapang na salitang kanyang isinigaw.

Imahe kuha mula sa video ng Viral na to | Facebook

Kinalaunan, dahil sa patuloy na pagmamatigas, dinampot na siya ng mga awtoridad at dinala sa New Caloocan City Hall upang isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) dahil sa paglabag sa City Ordinance at hindi pagsusuot ng face mask.

Ang babae ay nakilalang si Mikaela Manzon Tahum, 27 taong gulang at residente ng Barangay 157, Caloocan City.

Siya ay nakasuham ng Unjust Vexation, Alarms and Scandal at Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Nakunan ng awtoridad ang pangyayari at agad itong naging viral sa social media. Gigil at pagkadismaya ang nakuha nitong reaksyon mula sa mga netizens.

Magsilbi sana itong leksyon sa mga nagbabalak na suwayin ang batas.

Panoorin dito ang video at kayo na ang humusga kung tama ba ang kanyang ginawa.

I-click ang imahe upang maanood ang video ng Viral na to via Facebook
Source :

Facebook

Loading…