Food delivery rider binigyan ng tip, pagkain at ipinagdasal pa ng customer

Imahe kuha mula sa video ng Devotion via Facebook
  • Masuwerte ang isang food delivery rider dahil binigyan na siya ng tip at inilaan pa ang isang order para sa kanya
  • Bukod pa riyan, ipinagdasal din siya ng babaeng customer para ligtas siya sa trabaho at mailayo sa COVID
  • Nais lamang ng customer na ibahagi rin ang kanyang mga biyaya at maramdaman ng rider ang pag-ibig ng Panginoon

Malaki ang tulong ng mga matatapang nating food delivery riders ngayong may enhanced community quarantine. Dahil sa kanilang serbisyo, natitikman pa rin natin ang ating mga paboritong pagkain mula sa mga restaurants.

Imahe kuha mula sa video ng Devotion via Facebook

Kaya bukod sa pasasalamat, marami ang nagbibigay ng tip upang mapawi ang pagod ng mga riders. Bilad na sila sa araw,  palagi pang naghahabol sa oras upang  makarating agad ang mga orders.

Subalit may mga customers na mas espesyal pa rito ang tingin nila sa mga riders. Sa video na in-upload ng Devotion sa Facebook, bukod sa tip at libreng pagkain, dinasalan pa ng babaeng customer ang rider na si Jayson.

Nang dumating si Jayson, kinumusta agad siya ng customer.

“Kuya, kumusta po? Healthy naman po kayo?” tanong ng babae. Pagkatapos nito, binayaran siya at sinabing ang sobra ay tip na raw sa kanya.

Hindi lang ‘ yan. Masuwerte si Jayson dahil sinadya talaga ng babae na pasobrahan ang kanyang order dahil para pala sa kanya ang isa rito. Aniya, “Talagang pinasobrahan ko ng isa kasi gusto ko ‘yong magde-deliver sa akin,  I want to share my blessing na gusto kong ma-feel niya ang pag-ibig ni Lord na huwag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay.”

Imahe kuha mula sa video ng Devotion via Facebook

Bago kinuha ni Jayson ang para sa kanya biglang sinabi nig babae, “ Can I pray for you?”

Pinagdasal niya na sana’y patuloy na ingatan ng Panginoon ang buhay ni Jayson lalo na sa kanyang pagda-drive at mailayo siya sa COVID.

Natatakpan man ng mask ang mukha ng rider, natitiyak naming may ngiti nang mga sandaling iyon.

Marami ang naantig sa ginawa ng customer. Kung alam mo ang totoong kahulugan ng pag-ibig ng Panginoon, nais mo ring maranasan ito ng iba.

Source :

Facebook

Loading…