Lumang shampoo sachets, dala ang alaala ng mga sikat na brand noong taong 90’s

Imahe via Kami ang Batang 90's | Facebook, Imahe via Canva
  • Nagdulot ng nostalgia ang larawan ng lumang sachets ng shampoo at conditioner
  • Ibinahagi ng mga netizens kung alin ang paborito nilang shampoo noon at kung bakit nila ito nagustuhan
  • Samantala, swak man sa budget ang sachet, may nakaambang panganib naman itong hatid sa ating kalikasan

Ang mabango, makintab at malambot na buhok ay pinapangarap ng marami at hindi iyan magiging possible kung wala ang paborito mong shampoo.

Imahe via Kami ang Batang 90’s |Facebook

Ano ang brand ng  pinakapaborito mong shampoo noon?

Isang larawan sa Kami ang Batang 90’s FB ang pinag-usapan ng mga netizens dahil tampok dito ang lumang sachets ng mga kilalang brand ng shampoo noong 90’s. Kasama rito ang Vaseline, Palmolive, Sunsilk, Head and Shoulders at ang conditioner na Cream Silk.

At dahil mga lumang sachets na ito, nagdulot ito ng nostalgia. Isa sa katangiang napansin nila rito ay mas marami ang laman ng sachet noon kaysa ngayon. Halos lahat ng brand nasa 10 mL ang  laman. Hindi rin uso ang mga twin sachets noon. Kung gusto mong tipirin, karaniwa’y iniiwan mo ang kalahati para sa susunod na gamitan.

Naglabasan ng kanya-kanyang karanasan ang mga netizens sa paborito nilang shampoo. Marami ang nagugustuhan ang isang brand dahil sa amoy nito.

“Ito yong original na sachet ng shampoo noong 90’s. Sunsilk na green shampoo gusto ko kasi mabango.”

“Noong panahon na ‘yan, kalalabas lang ng Rejoice. Sobrang ganda pa sa buhok ma-feel mo talaga ang difference. Kahit na minamigraine ako sa amoy niya, bet ko pa ring gamitin.”

Imahe via PIxabay

Ito rin ang mga taon na hinihiwalay na ang conditioner sa shampoo. Dati kasi, karaniwan nang nabibili ang shampoo na may conditioner na rin. Kaya sikat na sikat si Creamsilk dahil lagi siyang partner ng kahit anong brand ng shampoo.

“Cream silk, Sunsilk pa din, kulay green mula pagkabata at hanggang ngayon sobra. Bango at mabilis makahaba ng buhok.”

Kaya lang, swak man sa budget ang sachet, ang kapalit naman nito ay ang pagdagdag sa basurang plastik na matagal na nating suliranin.

“Nostalgic pero…” Mga lumang balat ng shampoo, patunay sa ambag ng plastik sa polusyon

Maraming-maraming taon kasi ang bibilangin bago ito matunaw.  Kapag bote, maaari pa itong pakinabangan dahil nare-recycle ito. Kaya kung abot-kaya mo naman ang boteng plastik, huwag nang bumili ng sachet.

Loading…