May-ari ng restaurant, namigay ng libreng bigas sa mga walang maisaing

Imahe via van Gogh is Bipolar | Facebook
  • Namigay ng libreng bigas ang may-ari ng restaurant sa mga taong walang maisaing
  • Ibinalita niya ito sa social media at dumagsa ang mga nanghingi kinabukasan
  • Ngunit kahit pa noong wala pang quarantine, bukas na ang kanyang restaurant sa mga nagugutom na walang pambili

Dahan dahan nang bumalik sa pagtatrabaho at pagbubukas ng negosyo ang ibang bahagi ng Pilipinas dahil sakop na ito ng general community quarantine. Ngunit may ilang lugar na dahil sa mataas pa rin ang kaso ng COVID-1 ay nananatiling naka-enhanced community quarantine. Tigil operasyon pa rin ang karamihan ng mga negosyo rito.

Imahe via van Gogh is Bipolar | Facebook

Nag-alala rito si Jetro Rafael, isang artist at may-ari ng restaurant kaya nagparating siya ng mensahe sa social media. “May maisasaing ka pa bang bigas? Kapag wala na, pumunta ka sa address na ito: 154 Maginhawa st. Sikatuna Village Q.C. mula 10AM to 5PM.”

“Wala po itong bayad,” dagdag pa niya. Hahanapin lang daw siya. Mayroon daw siyang 100 kilong bigas na naipon at kasali na rito ang donasyon ng ibang concerned citizens. Ipamigay niya ito lahat hangga’t may stock.

Ang mga ganitong inisiyatibo ang siyang kailangan natin ngayon. Kung sino ang mas pinagpala ay nagbibigay. Marami ang natuwa at pumuri kay Jetro. Ang ibang nangangailangan ay nagpaalam agad na pupunta.

“The best ka kabayan. Pagpalain ka nawa, sampu ng pamilya mo.”

“Good morning. Punta po kami diyan ng sister ko. Thanks. God bless!”

Kinabukasan, marami ang pumila at naubos agad ang bigas. Ngunit ang maganda sa kanyang kawanggawa, naghikayat ito ng iba pa na tumulong. Marami ang nangakong magpapaabot din sila ng tulong.

Imahe via van Gogh is Bipolar | Facebook

“Please let me know if I can send you money since I am in the USA. I can send via PayPal or Venmo. God bless you, Brother Jethro!”

“I would like to donate rice to you, Jethro, please let me know how.”

Ang gawaing ito ay hindi na bago kay Jethro. Sa loob ng sampung taon, bukas ang kanyang kainan sa mga taong nagugutom.

“As long as the doors/lights are open/on, VGIB ( Van Gogh is Bipolar) always serves as an open kitchen/home for the hungry and thirsty.”

Loading…