Naranasan mo na bang makatulog sa balikat ng katabi mo sa dyip?

Imahe via Rant | Facebook
  • Sa biyahe hindi minsan maiwasan ang pag-atake ng antok dahil sa pagod at puyat
  • Sa kabila ng pagpipigil, hindi minsan maiwasang mapasandal ka sa iyong katabi habang natutulog
  • Tingnan kung ano ang ginawa ng drayber na may pasaherong lalaki na nakatulog sa kanyang balikat

Nagco-commute ka ba? Malamang, minsan ay nararanasan mo ring antukin habang nasa biyahe.

Imahe via Wikimedia Commons

Sa buong maghapong trabaho o pag-aaral, ang pagsakay sa dyip o bus pauwi ay katumbas ng pagkakataong makapagpahinga lalo na kung mahaba-haba ang biyahe. Sa umpisa napapatingin ka muna sa daan, sa sasakyan, sa mga tao, at magagandang tanawin. Ngunit dala ng pagod at puyat…oops! hindi mo napigilang mapaidlip.

Sa pagtakbo ng sasakyan, ano ba naman at para kang dinuduyan at lalong napapalalim ang tulog mo. Hindi mo na namalayan na dinala ka na pala sa mundo ng panaginip.

Sa bawat pasaherong napapaidlip, minsan may isang balikat na nagiging tagapagligtas upang hindi ka tuluyang malaglag. Lalo na’t siksikan, mas malapit ang balikat ng iyong katabi. Kapag ikaw ay babae at nakasandal ka sa lalaking katabi, may iba na hindi naman nagre-react. Bagkus, kapag maganda, tila naghahatid pa ito ng saya. Haha.

Imahe via Rant | Facebook

Subalit iba naman ang reaksyon ng isang drayber na sa kanyang balikat nakatulog ang pasaherong lalaki. Dahil nasa unahan, kitang-kita ito ng lahat ng pasahero. Naasiwa ang drayber at tinulak nito ang ulo ng lalaki upang ibalik sa pagkatatayo. Haha, Ang mga pangyayaring iyon ay nakunan ng larawan at nang maibahagi sa social media ay pumatok ito.

Marami kasi ang nakaka-relate dito? At siyempre, hindi mapigilan ng iba na ikuwento ang mga nakakatawa nilang karanasan.

“Tag ko na lang self ko. Pinaka di ko makalilimutan yung sobrang puyat ako dahil nagbantay ako sa tatay ko sa ospital. Tapos kinaumagahan, may pasok naman sa eskuwela. Haha. Muntik pa nga ako mauntog sa lagayan ng barya ni manong. Buti tinapik niya ako sa hita at nagising ako.”

Imahe via Rant | Facebook

“Sa buhay call center agent ko ilang beses ko ‘to nagawa sa sobrang pagod at puyat. Minsan may nag-offer pa sa’kin na babae na sumandal sa balikat niya. Sa buhay na maraming pagod at puyat ‘di na ‘to bago sa mga commuters.”

Hindi na nga ito bago. Sa mga taong nagsisikap, parte parati ng buhay ang pagod at puyat. Ingat ingat nga lang at baka sa may asawang seloso o selosa ka mapasandal, ay bawal na bawal ‘yan!

Source :

Facebook

Loading…