Panoorin: Cool tatay, isinama sa pagjo-jogging ang manok

Imahe kuha mula sa video ng Papa via Facebook
  • Sa isang nakaaaliw na video, sinama ng isang tatay sa pag-jogging ang kanyang manok
  • Nadi-distract man paminsan-minsan, nakakasabay pa rin naman sa paggiya ni tatay
  • Maganda rin na ehersisyo sa manok ang pagtakbo lalo na sa mga panabong

Importante ang panatilihin na malusog at malakas ang katawan kahit na may lockdown. Kaya kasama sa mga paalala ng mga doktor ang pag-eehersisyo araw-araw.

Imahe via Pixabay

Isa na ang pagjo-jogging sa nakagaganda ng tibok ng ating puso. Hindi mo rin kailangan ng aparato para magawa ito. Basta’t may sapatos na goma ka lang, maaari ka nang mag-jogging. Puwede kang tumakbong mag-isa. Ngunit may iba na mas gustong may kasama sa pag-eehersisyo.

Maliban sa tao, karaniwa’y aso ang isinasama ng iba sa kanilang pagtakbo. Katangian na rin kasi ng aso ang pagkahilig dito,  Nakatutulong sa pagpapanatili ng magandang timbang,  nakatatalas ng isip at nailalabas ang naiipon nitong lakas. At siyempre, masayang bonding moment ito ng amo at ng kanyang alaga.

Imahe kuha mula sa video ng Papa via Facebook

Subalit para sa isang tatay sa viral na video na tampok namin, hindi aso kundi manok ang kanyang kasama sa pagtakbo.

Sa simula, medyo napupunta sa ibang direksyon ang manok ngunit hindi nagsawang tumigil at bumalik ang tatay sa manok upang ito ay gabayan. Sa bandang huli, nakuha rin ng manok ang tiyempo ni tatay. Nagkasabay rin sila.

Isang cute at kinagigiliwan na eksena ang mga sandaling iyon na kahit ang kunukuha ng video ay hindi mapigilang matawa. Kaya naman mahigit 4k reactions at 6k shares ang video na ito.

Para sa mga netizens, inihalintulad nila sa isang father and son na bonding ang eksenang ito. Marami rin ang nagulat na puwede palang isama ang manok sa pagtakbo.

Imahe kuha mula sa video ng Chicken Lines via Facebook

Ang ehersisyong ito ay maganda rin sa manok lalo na sa mga panabong, Isang kahalintulad na video ang aming nadiskubre sa social media kung saan sa ganoong paraan ay sinasanay ng isang sabungero ang kanyang manok upang lumakas ang resistensya nito.

Ngunit higit sa lahat, isa itong patunay na ang manok ay higit pa sa isang alaga sa bakuran. Matalino rin ito at kayang makisabay sa utos ng tao.

Narito ang nakaaaliw na video.

Loading…