Reaksyon ng lola sa kanyang ayuda: ‘Ito ang pinakamalaking halaga na nahawakan ko sa buong buhay ko!’

Imahe via DSWD XII | Facebook
  • Nagtatalon ang isang lola sa General Santos City nang matanggap ang kanyang tulong pinansyal mula sa SAP
  • Ito raw ang pinakamalaking pera na nahawakan niya
  • Nakatira lamang sa barong barong sina lola at kanyang asawa na nabubuhay sa pangangalakal

Tila bawat senior citizen na nakatatanggap ng tulong pinansyal mula sa social amelioration program ay may sariling kuwento.

Imahe via DSWD DOLE Assistance | Facebook

Para sa mga senior citizens na walang pension, napakalaking tulong ng ayudang ito dahil sila itong mga walang ipon at wala ring trabaho. Lalo na ngayong naka-quarantine tayo, bawal silang lumabas. Kaya kung ano man ang kanilang pinagkakakitaan, hindi nila ito maaaring gawin.

Isa si Lola Veronica Piliton, 65, ng Purok P.I.16, Barangay Heights, General Santos City sa nakatanggap ng 5k mula sa DSWD. Kuwento ng DSWD XII sa Facebook, nagtatalon daw si lola nang makuha ang pera. Kasi ayon sa kanya, ito ang pinakamalaking halaga na nahawakan niya sa buong buhay niya.

Kumikita si lola at ang kanyang asawa na si Venancio, 68 sa pamamagitan ng pangangalakal ng bote, bakal at plastik. Php100 lang umano ang kanilang naiuuwi bawat araw.

Ngayon na bawal silang lumabas at mangalakal, halos isang beses na lang umano sila kumakain sa isang araw. Kaya nang matanggap ang kanilang ayuda, agad ibinili ng mag-asawa ng bigas at iba pang mga pangangailangan sa bahay ang pera.

Sa larawan na in-upload ng DSWD XII makikitang pinagtagpi-tagping yero lamang at mga gamit na nakukuha sa pangangalakal ang ginawa nilang bahay.

Imahe via DSWD XII | Facebook

Sang-ayon naman ang mga netizens na karapat-dapat si Lola Veronica tulungan.

“Ganyan ang mga dapat hinahanap at dapat tulungan ng LGU kahit matanda na kayod pa rin. Pero ‘yong nga tamad at tambay sila pa ang nauunang qualified ng mga ayuda gaya ng 4Ps at iba pa. Galaw-galaw mga namumuno ng bawat sektor.”

“Ganyan sana lahat ng tinutulungan ninyo para hndi naman masayang ang pera ng mga nagbabayad ng tax.”

Sana matagal-tagal pa nilang mapakinabangan ang tulong na binigay ng gobyerno.

Source :

Facebook

Loading…