Angel Locsin may tugon sa pumupuna sa kanyang katawan : ‘Katawan ko ‘to. Ako ‘to. Sarili ko ‘to’

Imahe via Angel Locsin | Facebook. Imahe via Kapamilya Online World | Facebook
  • Nagbigay si Angel Locsin ng tugon sa mga nagkomento ng hindi kanais-nais sa bago niyang pangangatawan ngayon
  • Laman nito ang mensaheng ayaw niyang makipagd-deal sa mga gano’ng tao dahil wala naman siyang isyu sa kanyang sarili
  • Nagparating naman ng paghanga at pampalakas ng loob ang mga netizens sa kanyang post

Kamakailan lang, nag-trending ang mga larawan ni Angel Locsin na kinunan mula sa taping ng bago niyang programa sa Kapamilya Channel na ‘Iba ‘Yan.

Imahe via Kapamilya Online World | Facebook

Ikinabigla ito ng karamihan dahil mas naging ‘curvy’ ang kanyang pangangatawan kaysa noong nakaraang buwan. Umani ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens. Marami man ang fans na nagagandahan pa rin sa kanya, hindi pa rin nakaiwas ang aktres sa mga masasakit na kumento ng iba.

Kaya bilang tugon, nagpost si Angel ng mensahe sa kanyang Facebook page. Ang mga salitang ito ay sagot niya kay Boy Abunda sa isang panayam noong Enero 2019.

“May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw kong mag-deal sa mga gano’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw? Ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu eh. Katawan ko ‘to. Ako ‘to. Sarili ko ‘to. “

“Eh ikaw? Ok ka ba?” dagdag pa ng aktres.

Higit kailan man, lalo pang umani ng papuri si Angel dahil sa pagiging confident at kuntento sa sarili.

Inahe via Angel Locsin | Facebook

Mga bagong litrato ng tinaguriang real-life “Darna” na si Angel Locsin, nag-trending sa social media

Umabot sa 84k reactions, 1.6k comments at 10 shares ang post na iyon na pinamagatan niyang “Yes to body positivity!”

Narito ang ilang kumento ng kanyang mga tagahanga.

“You are such an amazing woman, Ms. Angel. Beauty and body fades but your innermost beauty will be treasured forever.”

“You’re beautiful inside and out. People talk because of their own insecurities and jealous of your kindness and love towards everyone. Stay true and be the angel that God made you.”

Taong 2015, nagkaroon si Angel ng disc bulge; dahilan upang sumailalim siya sa operasyon sa Singapore noong 2016. Simula noon, may  limitasyon na ang aktres sa kanyang mga aktibidad. Bawal na ang mabibigat na ehersisyo kagaya ng pagtalon at pagtakbo. Maaaring isa ito sa nagdulot ng pagbabago sa kanyang katawan.

Samantala, balik-tanawin ang interview ni Boy Abunda sa aktres.

Loading…