Bilin ni Goma kay Juliana sa pagpili ng nobyo: “Kailangan mabait”

Images from Richard Gomez Instagram
  • Tanggap ni Goma na balang araw ay magkakanobyo ang kanyang unica hija na si Juliana
  • Alam din niya na may mga binatang nanliligaw na kay Juliana
  • Ang tanging bilin niya sa anak ay maghanap ng lalaking mabait

Tanggap na ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na balang araw ay magkakanobyo na ang ang kanilang unica hija ni 4th District of Leyte Representative Lucy Torres-Gomez, na si Juliana.

Images from Lucy Torres Gomez Instagram

Ayun sa balita ng PEP, sinabi ng actor-politician na alam niyang may mga binatang nanliligaw na kay Juliana at hindi naman kaila sa kanilang mag-asawa ito na lumalabas-labas si Juliana para makipagdate kasama ang mga kaibigan nito.

Wala naman daw itong problema sa kanilang mag-asawa dahil 19 naman na ang kanilang anak. Ngunit bilang isang ama ay mayroon siyang bilin kay Juliana, “Kailangan mabait”.

Lagi niyang sinasabihan si Juliana na kung pipili ito ng magiging boyfriend balang araw, ang piliin nito ay ang lalaking tatratuhin siya nang tama.

“I told her we have to keep our dignity and respect all the time,” aniya.

Matatandaan na dati nang napabalitang naging magkarelasyon sina Juliana at ang aktor na si Marco Gallo ngunit sinasabing naghiwalay ang dalawa dahil sa bumalik ang aktor sa Italy noong 2018  at namalagi doon nang mahigit isang taon.

Ayun sa ulat ng MSN, inilahad ni Marco na naghiwalay sila ni Juliana dahil pareho silang hindi pabor sa long-distance relationship.

Inamin din ng binata na sa kanyang palagay ay hindi nga tunay na pag-ibig ang namagitan sa kanilang dalawa noon.

“Siguro naman kung totoong pagmamahal namin noon ni Juliana e di sana kami pa din ngayon, ‘di ba,” dagdag pa ng Viva talent.

Na-link din si Juliana sa anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Andres simula nang lumabas sila bilang magka-date sa prom.

Images fron LoveAndresAndAtasha Instagram

Nilinaw naman ni Juliana na mabuting magkaibigan lamang silang dalawa.

Loading…