Bossing ng makulit na aso, nanawagan sa social media para maisauli sa may-ari ang pares ng sandals

Imahe via Colmcille Lim | Facebook
  • Nanawagan ang amo ng isang aso sa social media kung sino ang may-ari ng tinangay na sandals ng kanyang aso
  • Hangad niyang maibalik ito, humingi ng tawad at makiusap na huwag sanang saktan ang kanyang alaga
  • Alamin kung ano pa ang kanyang ginawa na siyang dahilan upang mag-trending ang kanyang post

May aso ka bang nangunguha ng tsinelas? Tiyak na makaka-relate ka sa kuwentong ito.

Imahe via Colmcille Lim | Facebook

Kuwento ni Colmcille Lim, may napadpad sa kanila na isang pares ng sandals. Oo, hindi lang isang piraso, kundi isang pares. At ang may kagagawan nito — ang kanyang alagang aso.

Pero mabait naman si doggy dahil iningatan niya ang sandalyas.  Nilagay lang daw nito sa isang sulok ang pares at wala naman ni konting gasgas o kagat.

Ngayon, nag-alala na si Comcille sa may-ari at baka wala na itong magamit. Dahil hindi niya kilala kung kanino ito, pinost niya sa social media ang larawan nito pati ng kanyang aso.

Sabi niya sa kanyang post na isinalin na namin sa Tagalog, “Dear villager ng Doña Vicenta na nawalan ng sandals, PM me lang. Salamat. Sobrang sorry po. Ang aso namin na-hobby na ang manguha ng foot wear. Magtatayo siguro ito ng online shop. Walang damage ang sandals. Hindi niya sinira. Magagamit pa ang mga ito. Hehe. Ninakaw niya lang talaga.”

Imahe via Colmcille Lim | Facebook

Nagbigay rin siya ng panawagan sa English at baka mayroon siyang English o Korean na mga kapitbahay na nagmamay-ari nito.

At para makita ng mga dumaraan, naglagay ng mensahe si Colmcille sa gate at isinabit ang sandals na nakabalot ng cellophane. Sa kanyang sulat, humingi siya ng kapatawaran st nakiusap na sana huwag saktan ang aso at siya na lang daw ang haharapin.

Samantala, hindi naman niya magawang magalit sa kanyang alaga dahil sa larawan pa lang nito, halatang guilty na at kaawa-awa. Haha. Kaya naman umabot ng 2.8k ang nag-react sa picture ni doggy dahil naaliw na rin sa kanya.

Sana’y makarating na sa may-ari ang panawagan upang maibalik ang kanyang sandals. As of posting ay wala pang update sa may-ari.

Samantala, paalala rin namin na sana’y huwag hayaang makagala ang mga alaga sa bakuran ng iba upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

Source :

Facebook

Loading…