Panoorin: Edukasyon sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ngayong pasukan, paano nga ba gagawin?

Imahe kuha mula sa video ni Sammy Figura Grubanzo via Facebook
  • Magiging medium ang radyo at telebisyon sa pagdadala ng edukasyon sa mga mag-aaral simula ngayong pasukan sa Agosto
  • Sa pagsasagawa ng programa, bubuo ang bawat division ng DepEd ng production team na siyang lilkha ng mga educational videos
  • Ito ay mapapanood sa telebisyon at mapakikinggan sa radyo ng mga estudyante sa mga itatakdang araw at oras

Puspusan na ang paghahanda ng DepEd para sa makasaysayang pagbabago ng pamamaraan ng edukasyon ngayong taon. Dahil sa COVID, ang dating face-to-face learning ay mapapalitan na ng iba’t-ibang blended learning modalitites. Layunin nito na mapanatili ang pagdagdag ng kaalaman ng mga estudyante habang sinisiguro ang kanilang kaligtasan sa virus.

Imahe kuha mula sa video ni Sammy Figura Grubanzo via Facebook

Bukod sa online learning, kasama ang paggamit ng radyo at telebisyon sa paghatid ng leksyon sa new normal. Paano nga ba ito magagamit sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto?

Hatid ng DepEd Calamba, Laguna ang isang video na pinangungunahan ni Sammy Figura Grubanzo bilang tagapagsalaysay upang maihatid sa atin ang mga impormasyon sa prosesong ito.

Lahat ng instructional broadcast materials ay napapaloob sa Most Essential Learning Competencies o MELCs. Ito ay ituturo ng isang teacher broadcaster na siyang moderator o host ng programa. Sila ay dadaan sa training para mas maging handa sa TV production.

Magiging partner network ng DepEd ang IBC 13 sa pagpapalabas ng mga programang pang-edukasyon mula Lunes hanggang Sabado, 8AM-6PM. Magkakaroon ng schedule ang mga estudyante mula kinder hanggang senior high kung anong oras sila manonood ng mga palabas.

Bubuo ang bawat school division ng production team para sa pagsasagawa ng learning materials. Sa pre-production phase, lilikha ng script ang team at gagamit ng iba’t-ibang approach upang maging entertaining ito at educational. Ang objectives ng programa ay dapat specific, measurable, achievable, realistic at time bound (SMART).

Imahe kuha mula sa video ni Sammy Figura Grubanzo via Facebook

Sa production phase naman, kinakailangan ng smart phone, props, lapel at microphone sa paggawa ng video. Importante rin ang pagkakaroon ng magandang rapport ng teacher broadcaster para mas exciting ang programa.

Sa post production, gagamitan ito ng laptop na may video editing software upang mabuo at lalong mapaganda ang programa.

Malaking tulong ang pagkakaroon ng kaalaman sa photography at TV and radio production training ang mga kasama sa produksyon ng palabas.

Ang telebisyon at radyo ay kilala bilang companion medium. Ibig sabaihin, kaya mong makinig kahit na may ginagawa ka. Ayon sa pag-aaral, 90% ang may access sa radyo at 80% naman ay nakakapanood ng telebisyon sa bansa.

Kaya ngayong pasukan, suportahan natin ang pagsisikap ng Kagawaran ng Edukasyon dahil tanging hangad lamang nila ay maipagpatuloy ang pagtuturo sa bawat estudyante  kahit na may kinakaharap ang mundo ngayon. Maging bukas sana tayo sa pagbabagong ito.

Panoorin ang malinaw na kabuuang video rito. Hats off sa magandang pagpapaliwanag, Sir Grubanzo at team!

Loading…