Guro may alok na libreng kompyuter, internet at pagtutor sa mga mag-aaral na nangangailangan

Imahe via Crisanto Torio Tomeldan | Facebook
  • Isang guro sa Urdaneta City ang nag-alok ng ibreng paggamit ng kanyang kompyuter, at internet sa mga estudyante
  • Prioridad niyang ipagamit ito sa mga walang gadgets at internet at gustong mag-enroll online
  • Sa pasukan, iniaalok din niya ang kanyang serbisyo sa pagtuturo sa mga batang nangangailangan

Isang hamon sa mga estudyante ngayong pasukan ang malaking pagbabago sa pamamaraan ng edukasyon. Dala ng COVID, sa bahay na muna ang pag-aaral ng mga bata gamit ang radyo, telebisyon, kompyuter at mga modules.

Imahe via Crisanto Torio Tomeldan | Facebook

Dahil wala sa ekuwelahan kung saan may mga pasilidad, magiging mahirap para sa iba ang pag-access sa internet at paggamit ng kompyuter para sa kanilang mga proyekto o takdang aralin. Hindi naman kasi lahat ay mayroon nito sa kanilang bahay. Mabuti na lang may isang guro na nakita ang kakulangang ito at handang tumugon para sa mga nangangailangan.

Sa Facebook ipinarating ni Crisanto Torio Tomeldan ang pag-alok niya ng libreng paggamit ng kanyang isang unit ng kompyuter  na may internet para sa mga mag-aaral.

“I’m offering po our 1 unit of piso net for free para sa mga estudyante, exclusively for educational purposes only,” pahayag niya sa kanyang post.

Alok niya ito lalo na sa mga hindi pa nakapag-enroll dahil walang cellphone, kompyuter at internet. Hindi lamang iyan dahil ipagagamit niya rin ito nang libre sa mga gagawa ng assignment at magre-research ngayong pasukan.

Ang mas lalong nakamamangha pa ay ihahandog din niya ang kanyang serbisyo bilang guro nang libre sa mga gustong magpatutor.

Imahe via Crisanto Torio Tomeldan | Facebook

“Puwede ko rin po kayong tulungan o i-tutor for free basta kaya ko po. Kung may katanungan po kayo sa enrollment process and the likes, puwede po.”

Hiling niya lamang ang magsuot ng face mask at siya na ang maghahanda ng hand sanitizer.

Sa mga gustong makigamit,  maaari n’yo siyang puntahan sa address na ito: #389 Mabanogbog Zone 4 Urdaneta City. Malapit daw ito sa Manan Eelementary School. Mas mainam na i-PM daw muna siya upang makapagset ng schedule.

Salamat, teacher Crisanto, sa tulong mo. Maraming mga bata ang mabibigyan ng pag-asang maipagpatuloy ang kanilang edukasyon.

Samantala, ayon sa DepEd, para sa mga walang kakayahang bumili ng gadgets at magpakabit ng internet, magbibigay sila ng mga printed modules at idadaan din ang pagtuturo sa radyo at telebisyon. Sisikapin umano ng ahensya na gawin ang lahat ng makakaya pagkat layon ng DepEd na walang bata ang maiiwan.

Source :

Facebook

Loading…