Happy Islanders couple Andi Eigenmann and Philmar Alipayo, may mga rebelasyon sa Rated K

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube
  • Tampok sa Rated K ni Korina Sanchez ang panayam sa happy islanders na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo
  • Ibinahagi ng aktres ang kanilang lovestory, simpleng pamumuhay at mga plano sa hinaharap
  • Isang rebelasyon din ang ikinuwento niya kung anong klaseng ama si Philmar sa kanilang anak

Sunud-sunod na naging sikat sa social media ang mga kaganapan sa simple ngunit masayang buhay ng aktres na si Andi Eigenmann at champion surfer na si Philmar Alipayo sa isla ng Siargao.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube

Noong Linggo, mas nakilala pa ng mga fans ang iba pang aspeto ng kanilang pamumuhay nang naging panauhin sila ni Korina Sanchez sa kanyang programamng Rated K.

Muling ibinahagi ni Andi kung paano sila nagkita ng kanyang partner na siyang dahilan ng kanyang lalong pagkahumaling sa surfing.

Tinanong siya ni Korina kung ano’ng nangyari at napagdesisyunan niyang tumira sa Siargao. Sinabi ng dating aktres na matagal na raw niyang pangarap ang tumira sa isla ngunit hindi niya nagawa ito noon dahil abala siya sa pag-aartista. Bukod pa riyan, dumating din ang punto na maraming mga events ng kanyang anak ang hindi niya nadadaluhan dahil sa trabaho. Dulot nito, pansamantala siyang umalis sa showbiz.

Sa kanyang pagbabakasyon ay nakilala niya si Philmar at mas pinatibay nito ang kanyang paniniwala na sa Siargao siya nababagay.

Para sa kanilang anak, plano ni Philmar na magkaroon ng negosyo at pag-aaralin si Lilo sa pamamagitan ng homeschooling.

Imahe via Andieigengirl | Instagram

Ibinulgar rin ni Andi kung anong klaseng ama ang kanyang partner sa kanilang anak. Mas hands-on daw ito sa kanya. Kay Philmar din siya lalong natuto kung paano mag-alaga ng bata.

“I feel besides being a surfer his focus is really being a father. I really love seeing my daughter grow with him. And seeing how they are together, how really close they are, instead of getting hurt, I’m just amazed,” kuwento ng dating aktres.

Andi Eigenmann inaming hindi naging madali ang pag-adjust sa buhay sa isla

Dalawang taon nang namamalagi si Andi sa Siargao. Aminado siyang na-“culture shock” siya noong una. Hindi raw naging madali ang pag-aadjust. Ngunit sa tulong ni Philmar, unti -unti rin siyang nasanay sa buhay sa isla.

Matutunghayan ang kanilang mga adventures sa kanyang vlog na “Happy Islanders” na kamakailan lang ay umabot na sa 1 million subscribers.

Sila’y ating silipin sa video na ibinahagi ng Rated K via YouTube:

Loading…