Bata matiyagang nagbebenta ng kabute sa ilalim ng init ng araw para makatulong sa mga magulang

Imahe via The LOStories | Facebook
  • Dala ng kahirapan, mas ginustong magbenta ng kabute ng isang bata sa Benguet kaysa maglaro
  • Kahit tirik na tirik ang init ng araw, matatagpuan siyang nakapuwesto sa isang munting silungan sa gilid ng daan
  • Umani ng papuri ang bata sa social media pero mayroon ding mga nangamba para sa kanyang kaligtasan

Maagang nagsimula ang bakasyon ng mga mag-aaral ngayong taon dahil sa COVID. At noong nagkaroon ng quarantine, pinagbawalan silang lumabas dahil sa banta ng isa sa pinakamalalang virus na dumapo sa buong mundo.

Imahe via The LOStories | Facebook

Nag-eenjoy man ang iilan dahil sa walang pasok at malayang makapaglaro sa bahay kasama ang mga hi-tech na gadgets, ngunit may iba naman na mas inisip ang kapakanan ng buong pamilya.

Isa rito si Jessie na hindi paglalaro ang prioridad ngayong may lockdown kundi kung paano makatutulong sa pamilya. Dulot kasi ng COVID, nagbigay ito ng matinding apekto sa kabuhayan ng lahat.

Sa kuwentong ipinost ng The LOStories sa Facebook, sinasabi rito na akala mong batang nagpapahinga sa may kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet si Jessie. Ngunit pag makita mo nang malapitan, mapapansin mong may dala siyang supot. At kapag ibinababa mo ang bintana ng iyong sasakyan, sinisigaw nito ang “bo-o, bo-o”. Ito ay tawag sa isang uri ng kabute sa Benguet. Nagbebenta pala si Jessie nito.

Kahit sa tindi ng sikat ng araw, matiyaga siyang nakaupo sa sementong upuan at nasisilungan lamang ng isang maliit na sako na ginawang atip sa kanyang puwesto.

Umani ng paghanga ang batang ito sa social media dahil sa pagiging matulungin sa mga magulang. Ayon sa isang netizen na si Tessie Toda Pumahing, kapitbahay raw niya si Jessie at humanga siya sa pagiging mabait nito.

“This is our neighbor. This little boy has a good heart. I admire him because he gives the money he earns to his parents to buy for their needs. God bless you, Jessie Jr.”

Imahe via The LOStories | Facebook

Bata, nakatulog sa gilid ng kalsada habang nag-aaral at nagbebenta ng sampaguita

Sa kabila ng papuri na kanyang natanggap, takot naman ang naramdaman ng iba para sa kanya dahil hindi siya naka-mask at mas mabuti pa raw na manatili na lang siya sa bahay.

“Kawawa. Covid pa nga. Bawal i-expose ang mga bata. Kalsada pa ‘yan, maraming dumaraan na sasakyan.”

Malamang may mabigat na dahilan si Jessie dahil mas gusto nitong  kumita kaysa magtambay at maglaro sa bahay. Sana marami ang bibili ng kanyang paninda para matulungan siya at agad na makauwi.

Source :

Facebook

Loading…