Nanay na laging may hawak na patpat tuwing siesta: Tatakas ka pa ba?

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | FAcebook
  • Laman ng isang larawan sa social media ang realidad ng pagpapatulog ng magulang sa kanilang anak tuwing hapon
  • Upang matiyak na sumunod ang mga bata, laging may hawak na patpat na panakot si nanay
  • Hanggang ngayon marami pa ring ina ang ginagawa ito sa kanilang mga anak at isa na rito ang artista na si Melai Cantiveros

Ala-una na ng hapon at wala nang mga gawain. Kay sarap na sana lumabas at makipaglaro sa mga kapitbahay. Kaya lang may ibang plano si Nanay.

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | FAcebook

“Matutulog muna tayo,” sabi ni Nanay.

Yay! Hindi talaga nakalilimot ang inay tuwing hapon sa aming siesta.

Base sa paniniwala ng mga matatanda, nakapagpapatangkad daw sa mga bata ang pagtulog tuwing hapon. Kaya nakaugalian na ng mga nanay at lola ang pagpapatulog ng kanilang mga anak sa ganitong oras.

Ngunit bilang bata, mas iniisip mo ang paglalaro. Dahil sa aktibong pangangatawan, hindi lahat ay gustong matulog. Kaya si nanay ay laging may dalang panakot —- ang patpat. Hinahawakan niya ito at itinatabi para laging nakahanda tuwing kailangan. Hahaha

Kuhang-kuha ang eksenang iyan sa larawang inupload ng Magsasaka Mabuhay Ka Facebook page. Kitang walang ibang choice ang anak kundi magtakip na lamang ng unan at ipikit ang mga mata hanggang sa makatulog.

Madali namang nakapagbahagi ng karanasan ang mga netizens, mapananay man o anak dahil halos lahat yata ay dumaan dito.

“Ganyan din kami noon pag tanghali lalo na kapag hindi kami natutulog. May isang beses tatakas sana kami. Akala namin ng kapatid ko natutulog tatay namin.”

“ Katulong ako ng tiyuhin ko tuwing tanghali. Pinapatulog mga bata. Ayaw matulog kaya may patpat pantakot kaso ako ang nakakatulog.”

“Hahaha! True na true. Kapag pinatutulog kami, may hawak na pamalo tapos nasa paanan pa si lola para ‘di ka makalabas.”

Imahe via Melason | Facebook

Momshie Melai Cantiveros, ginagamitan pa rin ng kanyang ‘magic hanger’ ang mga anak pag ayaw mag-siesta

Hanggang ngayon nariyan pa rin ang kaugaliang ito, pati ang paghawak ng pamalo. Sa katunayan, isa ang celebrity na si Melai Cantiveros na nagpapatulog ng kanyang dalawang anak kapag siesta. Hanger naman ang bitbit niya. Pag nakikita raw nila ito, nakatutulog sila agad.

Ayon sa siyensiya, ang pagtulog ng mga bata sa hapon ay nakatutulong sa kanilang emotional development. Mas nagiging masaya sila at hindi balisa. Nagbibigay din ito ng “downtime” o pagkakataon upang makapagpahinga ang katawan.

Dahil dito, importante bilang magulang na habang bata pa, sanayin na ang mga anak na matulog tuwing hapon.

Loading…