Wendell Ramos masayang ibinalita na isa na siyang bumbero

Imahe via wendellramosofficial | Instagram
  • Isa nang bumbero si Wendell Ramos matapos ang kanyang pagsasanay sa ilalim ng Ang Bumbero Ng Pilipinas (ABP)
  • Ibinahagi niya sa Instagram ang balita na kinonsidera niyang isang mapagpakumbabang karanasan
  • Marami naman ang humanga kay Wendell sa panibago niyang narating bukod sa pagiging isang magaling na aktor

Isa nang ganap na bumbero ang Kapuso star na si Wendell Ramos.

Imahe via wendellramosofficial | Instagram

Masaya itong ibinalita ng aktor sa kanyang Instagram account na @wendellramosofficial nitong Lunes, June 29.

“It was really an honor to train and be a certified ABP #angbumberongPilipinas but to be honest, I need to learn and experience more,” sabi ng aktor sa kanyang post.

Dagdag pa niya, ”It’s truly a humbling experience for me at sa inyo pong lahat na mga bumbero ng Pilipinas.. #saludo po ako sa inyong lahat. Mabuhay po ang ABP nating lahat!”

Ibinahagi ng aktor ang mga larawan ng kanyang pagsasanay. Isa na rito ang pagsuot niya ng PPE ng bumbero at paghawak mismo sa hose. Sa isa pang larawan,  makikitang napaluhod si Wendell sa pasasalamat sa pagtatapos ng kanyang training.

Nagparating naman ng pagbati ang kanyang mga fans.

Imahe via wendellramosofficial | Instagram

“OMG! I am very proud of you, LODI! What have you done so far for your community, keep it up and I will continue praying for you and your loved ones. Keep safe and be healthy. You truly have a huge heart! Mabuhay ang ABP! God bless you all always!”

“Hindi lang mukha ang puhunan. Magaling pang aktor. ‘Di lang pang display ang ganda ng katawan. Go daddy!”

“Wow nakabibilib ka talaga idol. Isa ka talagang mabuting pastol ni God. Kahit isa kang artista, you are really humble. That’s why you are so blessed. Keep up the good work.”

Ang Bumbero Ng Pilipinas (ABP) ay isang non-government organization na may layuning pagbuklurin at makapagbigay ng piinakabagong impormasyon sa mga grupo ng bumbero sa Pilipinas.

Imahe via wendellramosofficial | Instagram

Samantala, hindi pa nakabalik sa ere ang teleseryeng “Prima Donnas” na kinabibilangan ni Wendell bilang si Jaime Antonio Claveria. Ngunit mapanonood ang kanilang nagdaang episodes at mga online reunion videos sa GMA Network’s Facebook page, Twitter account, at YouTube channel.

Source :

Instagram, GMA

Loading…