Why oh why? Online seller minaliit ng kaibigang ‘di natutuwa sa kanyang pagtitinda

Mga imahe via Facebook
  • May isang online seller ang tinawag na “cheap” ng isa niyang kaibigan dahil sa pagbebenta nito online
  • Pinayuhan si Joy Anne Perez na maghanap na lamang ng trabaho para may siguradong kita buwan-buwan
  • Sinabi ni Joy Anne na maayos ang kanyang kita at hawak pa niya ang kanyang oras

Nitong mga nakaraang taon ay tumaas ang popularidad ng e-commerce or online selling kaya naman maraming mga kababayan natin ang naeengganyong maging full-time online sellers, at kabilang na sa mga ito ang netizen na si Joy Anne Perez.

Bilang isang online seller, masipag is Joy Anne na magpost ng kanyang mga ibinebentang produkto sa social media ngunit hindi pala lahat ay natutuwang makita ang pagpo-promote niya.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi niya ang naging pangmamata ng isang “dating” kaibigang babae sa kanyang pagbebenta,

Makikita sa palitan ng mensahe ng dating magkaibigan kung paano maliitan si Joy Anne at sinabihan pang nagmumukhang cheap dahil sa laging pagpo-post  nito sa kanyang mga tinda.

Image from Joy Ann Perez Facebook

Nagbigay pa ng payo ang babae na mas mabuti pang maghanap na lamang ng trabaho si Joy Anne para may siguradong kita ito kada buwan.

Hindi pa ito nakuntento at tinanong pa kung kumusta na ang diploma ng masipag na online seller; kung ito ba ay inaanay na.

Makikita din sa mga sumunod na mensahe na may utang pa ito kay Joy Anne at matagal nang hindi binabayaraan. Proud pa nitong sinabi na kung hindi siya nangailangan noon eh hindi siya lalapit kay Joy Anne. Hindi na daw niya alam kung na-offend si Joy Anne at mamasamain ang kanyang mga sinabi.

Image from Joy Ann Perez Facebook

Sa kanyang parte, sinabi ni Joy Anne na maayos ang kanyang kita bilang online seller at hawak pa niya ang kanyang oras. Sinabihan din niya ang dating kaibigan na kung sawa na itong makita ang pagtitinda niya sa social media, eh mas mabuting i-unfollow o i-unfriend na lamang siya nito.

Basahin ang kabuungang post dito.

Source :

Facebook

Loading…