70 anyos na lola, hindi pa rin kumukupas ang galing sa pag-drawing, apo ipinagmalaki siya

Imahe via Clarice Julian | Facebook
  • Ipinagmalaki ng apo sa social media ang kanyang lola na nagdo-drawing sa tablet sa unang pagkakataon
  • Namangha siya dahil sa edad na 70 taong gulang ay magaling pa rin sa pag likha ng drawing ang mga kamay nito
  • Balak niyang regaluhan ng tablet ang lola kaya kasalukuyan niya itong pinag-iipunan

Ang talento ay isang kakayahang natural na sa atin. At kapag tayo ay nagsasanay o nag-aaral para rito, mas gumagaling tayo. Subalit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral dahil sa kahirapan.

Imahe via Clarice Julian | Facebook

Ngunit sa kabila nito, may mga taong hindi pa rin nawawalan ng gana at galing sa kanilang talento.

Isa na rito si Lola Julieta na kahit 70 taong gulang na ay napabilib ang kanyang apo na si Clarice Julian. Magaling daw kasi si lolang mag-drawing sa tablet kahit na unang beses pa lamang sa gadget. Sa pagkamangha niya, kinunan niya ng larawan ang lola at ibinahagi ito sa social media.

“She tried drawing on my tablet and ang cute kasi this proves na wala talagang kupas ang talento,” pagmamalaki  niya sa Facebook

Dati palang nag-aaral ng fine arts noong kolehiyo si Lola Julieta ngunit dahil hirap sa pera, hindi niya ito naipagpatuloy. Ibinunyag din ng apo, na siya ang tagagawa ng school arts projects nila noon.

Imahe via Pixabay

Dahil nakita ni Clarice ang kagustuhan pa rin ng kanyang lola na magdrawing, balak niyang regaluhan ito ng tablet. Kasalukuyan daw siyang nag-iipon mula sa komisyon niya. Isa pa, mahilig din ang kanyang lolang maglaro sa cellphone kaya para na rin iisa na lang ang gadget na gagamitin niya.

“I’ve been saving up from commissions to buy her a simple tablet para mapagpatuloy niya ang passion niya.”

Pabiro rin niyang sinabi na baka may gustong magbigay ng tablet kahit na luma na. At hindi naman siya nabigo dahil may isang netizen ang nagpahayag na gusto nitong magbigay. Pero paglilinaw niya, “Hindi po ako nanghibingi ng tablet hahaha akonapo bahala mag ipon para don. gusto ko lang i flex lola ko kasi naelibs ako sobra. Ang smooth magdrawing kahit first time. Hindi na po niya kaya mag traditional kasi streetfood vendors sila ng asawa nya kaya at the end of the day, pagod na sya masyado para mag oil paint.”

Imahe via Clarice Julian | Facebook

Mayroon ding nangangamba at baka umano makasama ito para sa  kalusugan ni lola. Wika nama ni Clarice, hindi umano si lola nagtatagal sa gadget dahil napapagod din siya agad.

Nakapanghihinayang man na hindi napagtuunan ng pansin ni lola ang kanyang talento, hindi pa naman huli ang lahat para ito ay kanyang sariwain at hasain.  Masuwerte rin siya dahil may isang apo na handang sumuporta sa kanya at looks like ang apo niyang ito ang nakamana sa kanya! O di ba?

Images via Instagram

Loading…