Alaga ng alagang aso, sumama sa duty ng isang pulis: Naranasan mo rin ba?

Imahe via Gelaii CAs | Facebook
  • Nadiskubre ng isang pulis na may sumamang kuto sa kanyang duty mula sa kanyang alagang aso
  • Ipinost niya sa social media ang nakaaaliw na kuwento kung saan marami rin ang nagbahagi ng kahalintulad na karanasan
  • Importanteng mapuksa ang kulisap na ito upang hindi magdulot ng sakit sa alaga na maaari ring dumapo sa tao

Nasubukan mo na bang sumama sa’yo ang alaga ng alaga mo? Saan kayo nakarating at paano mo ito nadiskubre?

Imahe via Gelaii Cas | Facebook

Iyan ang  nakaaaliw na kuwentong ibinahagi sa Furr Lover PH ni Gelaii Cas, isang pulis.

“ ‘Yoko na talaga. May sumama sa duty ko,” sabi niya sa kanyang post.

Isang kuto lang naman ng kanyang aso ang nakuha niya sa kanyang uniporme. Noong una, akala niya pa ay kanya ngunit  nang inspeksyunin ng maigi, hindi pala.

Ipinost niya ang larawan nito at nalamang  marami rin pala ang may kaparehong karanasan.

Imahe via Gelaii Cas | Facebook

“Hahaha. Kami simula Bulacan nakarating yung garapata sa Batangas. Hahaha. Nag-roadtrip din siya.”

“Asawa ko sumampa ng barko. May sumama din sa sapatos niya. Nakapaglibot ng iba’t-ibang bansa yung ticks.”

Umabot sa 4.8k reactions ang kanyang post.

Samantala, ang garapata ay tick sa Ingles. Ito ay lumalaki sa oras na nabubusog  ng dugo. Maaari itong dumapo sa tao at nag-iiwan ito ng pulang marka kapag nangangagat. Mahalagang gamutin ang aso na mayroon nito dahil puwede itong magdulot ng sakit o makapaglipat ng sakit mula sa ibang aso.

Imahe via Pixabay

May mga sabon o shampoo na maaaring gamitin sa mga alaga upang masugpo ang mga ito. Iyon na rin ang payo ng ilang netizens sa kanya.

Hindi rin magandang tirisin ito dahil maaaring kumalat lang ang itlog nito kapag nabuksan ang katawan.

Pulgas naman o flea ang isa pang insektong nabubuhay sa katawan ng hayop.

Huwag balewalain kapag ang mga ito’y matatagpuan mo sa iyong mga alaga dahil maaari rin silang mamugad sa iyong bahay,

Loading…