Angel Locsin nanghihinayang dahil sinayang ng gobyerno ang pagkakataong maayos pa ang entertainment industry

Imahe via Angel Locsin | Facebook, Imahe via crlmlbnn | Instagram
  • Muling nagpahayag ng saloobin ang Kapamilya star na si Angel Locsin, ilang araw matapos bigong makapag-renew ng prangkisa ang ABS-CBN
  • Para sa kanya, pinanghihinayangan niya ang pagkakataong maayos ng gobyerno ang mga dapat pang ituwid sa entertainment industry
  • May patutsada rin siya laban sa ginawa ng 70 kongresista na bumoto pabor sa pagpapatigil ng pag-renew ng prangkisa ng istasyon

Nang bigong makapag-renew ng prangkisa ang ABS-CBN, inamin ni Angel Locsin sa kanyang Facebook post na siya ay “lost in thoughts”.

Imahe via Angel Locsin | Facebook

Aktibong nakiisa ang artista sa ginawang “solidarity caravan” sa harap ng ABS-CBN at nagpahayag na siya ay nalungkot at hindi alam kung ano ang gagawin.

July 14, muling naglabas ng saloobin ang aktres sa kanyang FB page.

“Alam ko I am sad, alam ko I am angry. Pero may pakiramdam ako ng panghihinayang na hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling noong simula. Ngayon po, na-realize ko kung saan nanggagaling ang lahat ng emosyon na ito.

Sinabi nitong may pinanghihinayangan siya at ito ay ang tsansang maayos pa sana ng gobyerno ang entertainment industry.

“Ito na sana ang chance para maayos ng ating gobyerno ang entertainment industry,” pahayag niya.

Umasa siya na ito ay magiging oportunidad na ayusin ang mga isyu ng industriya sa kabuuan at hindi lamang sa ABS-CBN; bagama’t malaki na ang pinagbago nito kumpara noong nagsisimula pa lang siya.

“Katulad ng working hours, contracts, etc. Pero aminado po ako na marami pa rin pong bagay sa entertainment industry ang kailangan pang ayusin, gaya ng ibang nirereklamo ng ibang laborers.”

Subalit pinili umano ng 70 kongresista na ipatigil ang network imbes na manindigan para sa mga tao at ayusin ang mga problema.

Imahe via Angel Locsin | Facebook

“Maiiyak ka na lang”: Angel Locsin sa pagpapatigil-operasyon sa ABS-CBN stations sa Channel 43, Sky Direct

Inihalimbawa niya ang mga laborers na naglabas ng hinaing at imbes na matulungan ay napabayaan.

“Pinagsalita lang pero iniwan lang din sa ere. In the end, we, in the entertainment industry, especially the day to day earners, kagaya ng crew, were still denied of the opportunity to work in better labor conditions.”

Para sa kanya, ang ginawa ng kongreso ay “ easy way out instead of curing the disease.”

“Bakit dinamay ang karamihan sa personal vendetta ng iilan? Totoong serbisyo para sa tao ba ang ginagawa o gumaganti lang dahil na-expose ang ilang pagkakamali nila?”

Sa huli, inihayag ni Angel na kaya siya nakikipaglaban ay dahil kailangan ng mga kasama niya ng karamay. Umaasa siyang hindi mawawalan ng saysay ang lahat. Ang pangyayaring ito ay maging parte na ng kasaysayan at hinding-hindi malilimutan ng sambayanang Pilipino.

Sang-ayon ba kayo sa opinyon ni Angel?

Basahin ang kanyang buong post dito.

Source :

Facebook

Loading…