Cool Grandma! Lolang naisahan ng apo sa isang hamon, mapipikon kaya?

Imahe via angelesnikki1905 | Tik Tok
  • Nagbigay ng aliw ang video ng isang lola sa Tiktok kung saan ay makikitang naisahan ito ng apo
  • Pinahuhula kay inang kung alin sa tatlong paper cups naroon ang P100 na mapupunta sa kanya kapag nahulaan niya nang tama
  • Ngunit tingnan ang kanyang reaksyon nang malaman na may ilang P1000 pala ang nakakubli sa isa pang paper cup

Ang Tiktok ay hindi lamang pang bagets. Sa katunayan, may isang lola ang nagbigay ng aliw dito dahil sa kakaibang video.

Imahe via angelesnikki1905 | Tik Tok

Si lola, na “Inang” kung tawagin ng kanyang apo na may TikTok account na angelesnikki1095 ay kabilang sa iilang videos ng dalaga.

Isa na rito ang video kung saan hinamon siya ng apo na hulaan kung alin sa tatlong paper cups nakatago ang P100 matapos itong i-rearrange ng apo. Kapag nahulaan niya nang tama kung nasaan may pera, kanya na umano ito.

Nang matapos na ang pagpapalit ng puwesto ng mga paper cups, tinapik agad ni lola ang isa. Makikita sa kanyang mukha na sigurado siyang nandoon ang P100. Pagkabukas ng cup, tama si Inang, naroon nga ang P100 kaya binigay sa kanya ang pera. Tuwang-tuwa siya sabay tawa dahil nanalo siya sa hamon.

Subalit hindi niya inaasahan na masusurpresa pala siya. Nang binuksan ang isa pang paper cup, nandoon pala ang mas malaking halaga! Ilang piraso ng P1000 ang laman nito. Naisahan siya! Hahaha. Natawa ang apo dahil hindi nakuha ng lola ang mas malaking halaga. Kung nagkamali pa siguro  si inang,  baka ito pa ang napili niya.

Imahe via angelesnikki1905 | Tik Tok

Hindi magguhit ang reaksyon ni inang na para ba siyang nadismaya o nagalit.. Subalit sa huli nanaig ang pagiging good sport niya Natawa na rin si lola (pero napamura nang patawa hahaha). Gusto nitong ibalik ang mga pera sa cup at maglaro ulit.

Ang videong ito ay may lampas 420k likes na sa Tiktok.

Sa katunayan, may isa pang video na gaya nito ang inupload ng user. Dito muling napatunayan na isang cool na cool na lola si inang dahil hindi siya napipikon kapag naiisahan siya.

Salamat, Inang, sa good vibes na binigay mo sa amin. Naipakita n’yo na kaya n’yo pa ring makipagsabayan sa makabagong panahon.

Panoorin ang nakaaaliw na video rito.

@angelesnikki1095Labas lahat ng nag mamahal kay Lola Chiyo, ang adik sa Naruto! ? watch till the end ##grandma ##luhanglakasngchakra ##boredinthehouse ##laugh ##fyp? original sound – Nikki Angeles

Source :

TikTok

Loading…