Kahabag-habag: Inang may karamdaman, may kakaibang solusyon para lamang makatayo at makatulog

Imahe via Kapuso Mo Jessica Soho {One at Heart Jessica Soho) | Facebook, Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Afffairs | YouTube
  • Isinusukbit ng isang ginang ang kanyang sarili sa kumot na nakatali sa kisame para lamang siya ay makatulog 
  • May tumubo kasi na bukol sa kanyang likod na nagbibigay ng matinding sakit at nakaapekto sa kanyang paggalaw
  • Nangangailangan siya ng pinansiyal na tulong upang sumailalim sa  radiation  therapy at baka maibsan ang sakit na nararamdaman

Ibinahagi ng Kapuso Mo Jessica Soho ang kuwento ng isang ina sa Laguna na may kakaibang paraan upang maibsan ang sakit na nararamdaman sa kanyang likuran.

Imahe via Kapuso Mo Jessica Soho {One at Heart Jessica Soho) | Facebook

Si Shirly Epan, 51, ay na-diagnose na may chordoma; isang uri ng tumor na tumutubo sa spine o gulugod. Dahil dito, unti-unting naapektuhan ang kanyang paggalaw.

Iniinda ni Shirley ang masakit niyang likuran na siyang dahilan upang mahirapan siyang makatulog. Kaya para maibsan ang sakit na iyon, naisipan ng kanyang kapatid na gawan siya ng kumot na nakatali na nagsisilbi niyang ‘saklay’. Ang kumot na nakatali ay nakadugtong sa kisame at isinusukbit doon ni Shirly ang kanyang katawan. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay nakatatayo siya at nakatutulog.

Kuwento niya, noong 2014, diumano, ay may sinalo siyang bata. Nang mangyari iyon, may biglang uminit sa kanyang likod. Nilagnat siya pagkatapos. Simula noon, hindi na siya makatayo. Noong nagdaang taon, sumakit na rin ang kanyang mga binti. At nitong Marso, namanhid naman ang mga ito.

Sa online consultation ni Shirly sa kanyang doctor, napag-alamang ang karamdaman na ito ay walang lunas. Ngunit puwedeng makatulong ang radiation therapy sa pagbawas ng mga sintomas. ‘Yon nga lang, sa 45 days na gagawin ito, nagkakahalaga naman ito ng Php 100,000.

Dinalaw ng MSWD si Shirly at sinabihang puwede siyang mai-rehistro bilang PWD. Malaking bagay ito para makakukuha siya ng diskuwento sa mga gamot at consultation at makatanggap ng pinansiyal na tulong mula sa gobyerno.

Imahe via Kapuso Mo Jessica Soho {One at Heart Jessica Soho) | Facebook

Binigyan siya ng grupomg Madre de Amor Hospice Foundation ng kama para mas madali sa kanya ang pagbangon mula sa kanyang higaan. Dati kasi, sa sahig lang ito nakalapag. Nangako rin grupo na tutulong sa kanya.

Biyuda na si Shirly at isa sa tatlong anak na lamang niya ang umaalalay sa kanya; ang 16-taong-gulang na si Raphael Epan. Siya rin ay naaawa sa kanyang ina lalo na kapag mamimilipit ito sa sakit.

Bigyan sana natin ng bagong pag-asa si Shirly para guminhawa na ang kanyang pakiramdam.

Para sa mga nais tumulong, maaaring magdeposito sa account na ito sa Bank of the Philippine Islands: Rachel Gonzales Epan, account number – 2769 0512 71 o makipag-ugnayan kay Shirley sa numerong ito: 0938 807 8885.

Tunghayan ang kanyang kuwento sa video na ibinahagi ng KMJS via YouTube:.

Source :

YouTube, Facebook

Loading…