Aso kinaaaliwan sa social media dahil sa kakaibang gupit

Imahe via Jara Bancolita | Facebook
  • Nagbigay ng aliw ang kakaibang gupit ng isang alagang aso sa social media
  • Imbes na puppy cut, undercut ang ginawang gupit sa buhok nito
  • Nagkaroon ng sari-saring reaksyum ang mga netizens kung saan karamihan ay nakakatawa

Isang aso ang kinaaaliwan sa social media dahil sa naging gupit nito sa kanyang buhok.

Imahe via Jara Bancolita | Facebook

Ayon sa may-ari na si Jara Bancolita, sinabi niya sa maggugupit ng buhok ng kanyang alagang si Clover na gusto niya ang puppy cut with bangs para may matatalian pa. Ngunit tila naging iba ang kinalabasan sa naging gupit nito.

Sabi ni Jara sa kanyang post, “‘Di ko alam kung iiyak ako o matatawa eh.”

Sa larawang kanyang ibinahagi sa Furr Lovers PH, makikitang mahaba pa rin ang balahibo ni Clover sa kanyang ulo. Ngunit dahil sa gupit na ginawa, naging buhaghag ang kanyang balahibo na akala mo’y isang wig na nakapatong. Hahaha.

‘Dii mapigilang matawa ng mga netizens at magkumento ng kanilang reaksyon.

Nagmumukha na raw rakista si Clover. Ayon naman sa iba, kulang lang daw sa rebond. Hahaha.

Imahe via Jara Bancolita | Facebook

Kung makapagsalita lang siguro si Clover, may mapagagalitan talaga. Subalit, ano nga ba ang nangyari at nagkaganon ang kanyang itsura?

Sa kuwento ni Jara sa Kicker Daily News, ang asawa niya raw pala ang may gawa no’n. Nang magka-lockdown, sila na kasi ang naggu-groom ng mga alaga. Imbes na puppy cut, naging under cut ang gupit niya kasi yon din daw ang hairstyle ng asawa at gusto nitong may kakampi siya.

Wala nang magawa si Jara kundi hinanapan na lang ng paraaan paano maging maayos at cute pa rin si Clover. Sa iba pang mga larawan ni kanyang alaga, makikitang nilagyan na lamang niya ng tali ang buhok ng aso. Ngunit nakaaaliw pa rin dahil ang tawag niya rito ay antenna. Hahaha.

Imahe via Jara Bancolita | Facebook

Samantala, ano nga ba ang puppy cut?  Ang gupit na ito ay ang pagkakaroon ng pantay na haba ng balahibo sa buong katawan. Karaniwan itong ginagawa sa mga poodles at shih  tzu.

Si Clover ay isang 2 na taong gulang na shih tzu maltese. Maliban sa kanya, may dalawa pang magkapatid na asong inaalagaan si Jara.

‘Di bale, Clover. Tutubo naman ulit ang balahibo mo.  Aayusin na lang daw sa susunod.

Source :

Facebook

Loading…