Officemate masipag na nagpapakain ng mga aso at pusang gala sa labas ng mall

Imahe via RiRi Bagnol Silagan | Facebook
  • Ipinagmalaki ng isang ginang ang kanyang officemate dahil sa pagpapakain nito sa mga aso at pusang ligaw sa labas ng mall
  • Sa tingin niya isa ito sa dahilan kung bakit hindi maka-work from home ang officemate — dahil hindi nito maiwan ang mga pinapakain
  • Ang mga aso at pusa sa mall ay basta na lang daw iniwan ng mga may-ari doon noong lockdown

May mga taong hindi matiis ang mga hayop na nagugutom sa kanilang kapaligiran.

Imahe via RiRi Bagnol Silagan | Facebook

Sila itong mga kahanga-hanga dahil kahit na sakto lang sa kanila ang kinikita, sinisikap nilang magbahagi pa rin para sa mga pusa at aso sa kalye.

Isa na rito ang officemate ni RiRi Bagnol Silagan sa SM Taytay. Sa kuwentong ibinahagi niya sa Furr Lovers PH, regular daw na nagpapakain ng mga aso at pusang ligaw sa labas ng mall ang kanyang kasamahan sa trabaho.

“Lagi talaga siya may dalang dog and cat food dahil may mga pusa din dito. Kasakay ko siya sa van for the mas maagang shift and I overheard na ‘di siya maka-work from home dahil makukulit ang lima niyang alagang furbabies,” salaysay ni Riri sa kanyang post.

Imahe mula kay RiRi Bagnol Silagan

Ngunit sa tingin niya, baka hindi lang daw talaga maiwan ng officemate ang mga pinapakain nito na tatlong muning at isang aso.

Kasama niyang ipinost ang larawan ng officemate na bitbit ang pagkain at naghihintay sa mga mga aso at pusa na lumapit sa kanya. Ang hindi niya alam, na-adopt na pala ang mga ito sa tulong mga mga mabubuting puso.

“Siguro nagtaka siya nasaan na ‘yung pinapakain niya. I’m going to tell her soon na they’re in good hands. Thanks to #feedingstrays and Louie Mae Molina Calison.

Si Louie Mae ay nagbebenta ng preloved na mga damit para pangtustos sa pagkain ng mga aso at pusa. Siya rin ang nanguna sa pag-rescue ng mga ito hanggang sa na- adopt na ‘yong iba.

Paano nga ba nagkaroon ng mga ligaw na hayop sa lugar na iyon?

Imahe mula kay RiRi Bagnol Silagan

Salaysay ni RiRi sa Kicker Daily News, ayon daw sa mga security guards, may mga de kotse na basta na lang nag-iiwan ng mga alaga roon noong lockdown. Ang iba raw ay mga magagandang lahi pa. Sa tingin niya baka gipit na raw ang mga may-ari at hirap nang magpakain sa mga alaga.

Mabuti na lang daw at mababait ang mga guwardiya at sila rin ay pinapakain ang mga ito.

Maging si RiRi at ilan pa nilang kasamahan sa trabaho ay nagpapakain din. Bukod sa mga aso at pusa sa mall, mayroon din daw siyang pinapakain na mga aso ng kapitbahay dahil hindi raw masyadong naaalagaan.

Sana’y marami pa ang ma-inspire at gumaya sa mga empleyado ng mall na ito. Kahit papaano nabibigyan nila ng pag-asa ang mga hayop na magkaroon muli ng maayos na tahanan.

Source :

Facebook

Loading…