Mga batang nasasalo ng kulambo sa kalikutan, kinaaliwan

Imahe via Cung | Facebook
  • Tampok sa social media ang larawan ng mga sanggol na nasalo ng kulambo sa gilid ng higaan
  • Pumatok ito sa nga netizens dahil sa kanilang nakagigigil na kakyutan at nakaaaliw na itsura habang nakaduyan sa kulambo
  • Maraming ina ang nakahahalintulad dito at ibinahagi rin ang sarili nilang karanasan

Nagkukulambo ka ba sa pagtulog? Malaki ang tulong nito bilang proteksyon sa atin laban sa lamok. Ngunit, para sa isang nanay, higit pa riyan ang silbi nito lalo na sa may mga maliliit pang anak.

Imahe via Cung | Facebook

Kadalasa’y nagigising ang mga ina sa gabi at natataranta dahil nawawala na ang kanilang anak. Iyon pala, nasa gilid na ito ng higaan at nakaduyan na sa kulambo.

Ang  eksenang ‘yan ay ibinahagi ng Cung Facebook page. Nakapangangamba na baka sila ay mahulog ngunit hatid din nito ang nakagigigil  at nakaaaliw na kakyutan habang tila naka-duyan sila sa gilid ng higaan.

Sari-saring reaksyon mayroon ang mga bata. May parang hindi man lang natakot sa kanilang kinalalagyan at mayroon namang natatawa pa sa kanilang kalikutan, Mayroong napapaiyak at ang iba nama’y nakatulala lang.

Imahe via Cung | Facebook

Libu-libong reactions at shares ang nakuha ng bawat larawan. Hindi mapigilang ibahagi rin ng mga ina ang kanilang kahalintulad na mga larawan at karanasan.

“Naalala ko ‘yong panganay ko noong baby pa siya. Ganyan nangyari sa kanya noong 9 months siya, Buti mayroon yung kulambo ng biyenan ko noon.”

“Pag ganyan, ‘di ko muna ‘yan kukunin. Panonoorin ko lang muna, lalo safe naman. Ang cute kaya nila tingnan.”

Imahe via Cung | Facebook

“Naalala ko noong maliliit pa mga kambal. Paggising ko, sa gilid ng higaan ko sila nakikita. Minsan, tulog pa rin sila pero ganyan hindi rin nahuhulog kasi may kulambo.”

Ipinost din ng ibang netizens ang kanilang mga larawan ng mga batang nasalo ng kulambo.

Ikaw? Naranasan mo ba ito noong bata ka pa? Ano ang kuwentong kulambo mo?

Source :

Facebook

Loading…