Mga magsasaka hinangaan dahil sa kakaibang panangga sa init

Inahe via Taga Nueva Ecija kami | Facebook
  • Ibinahagi sa social media ang larawan ng mga magsasaka na may kakaibang panangga laban sa sikat ng araw
  • Ito ay isang plastic board na sinusuot sa may likuran upang hindi tumama ang sikat ng araw kapag nakayuko sa pagtatanim
  • Hinangaan sila dahil sa naisip na paraan maliban pa sa sipag sa pagsasaka

“Magtanim ay ‘di biro, Maghapong nakayuko.”

Imahe via Taga Nueva Ecija kami | Facebook

Pamilyar na sa atin ang linya ng kantang ito na patungkol sa hirap ng pagsasaka. Hndi lamang masakit sa baywang ang pagtatanim ng palay. Masakit din sa balat dahil sa init ng sikat ng araw. Kaya karamihan sa mga magsasaka ay balot na balot ang katawan upang kahit papaano ay maprotektahan ang balat sa pagkasunog.

Subalit, may mga magsasaka na suot ang kakaibang panangga laban sa init ng araw.

Ipinost ng Taga Nueva Ecija Kami Facebook Page ang ilang larawan ng mga magsasaka na may suot na plastic board sa likuran upang hindi direktang matamaan ng araw ang kanilang likod lalo na kapag nakayuko.

Hindi mapag-alaman kung saang lugar ito sa Pilipinas o kung sa ibang bansa ngunit ang nasisiguro namin ay malaki ang naitutulong nito upang maibsan ang pagod na mararamdaman dahil sa init.

Namangha ang mga netizens. Ayon sa iba, puwede rin itong gawing higaan kapag kailangang magpahinga. Ang iba naman ay may mga suhestiyon kung papaano pa mai-improve ang disenyo. Kapag nasa gilid na raw kasi ang sikat ng araw, hindi na nito kayang takpan ang init. Kaya maaaring palakihin pa nang konti at gawing pakurba ang magkabilang dulo.

Inahe via Taga Nueva Ecija kami | Facebook

May mga nakaaaliw din na kumento ang iba. Baka raw kasi kapag mahamgin ay madadala ang mga ito sa ere na parang saranggola lang. Haha.

Sana’y makarating ang ideyang ito sa mas marami pang tulad nila  at baka maaari itong gayahin.

Kudos sa ating mga magsasaka. Hindi lahat ay kayang sumabak sa mahirap na gawaing ito. Gaano man kainit ang panahon, nariyan pa rin sila upang mapanatiling sapat ang suplay ng ating pagkain.

Source :

Facebook

Loading…