Nang dahil sa babala ng alagang aso, pamilya nakaligtas sa pagtaas ng tubig sa sapa

Imahe via Quillisha Cassiopeia| Facebook
  • Umalulong ang alagang aso ng isang pamilya habang nakaharap sa sapa
  • Iyon pala ay nagbigay ito ng babala na kailangan nilang lumikas dahil may paparating na masamang pangyayari
  • Tinangay ng baha ang lahat nilang kagamitan ngunit sila ay ligtas dahil nakaalis sila 

Ang pagsusukli ng kabutihan sa binigay mong kagandahang-loob ay totoo maging sa mga hayop.

Imahe via Quillisha Cassiopeia| Facebook

Iyan ang paniniwala ni Quillisha Cassiopeia ng Digos City at dahilan upang mailayo sila sa kapahamakan kamakailan lang.

Isinalaysay niya sa Furr Lover PH kung paano nagbigay ng babala ang kanilang aso na si GM upang sila ay makalikas bago pa man naging huli ang lahat.

Hunyo 28, 5PM nang umalulong ang aso. Sa paniniwala ng mga matatanda, may masamang mangyayari kung saan nakaharap ang aso kapag ito ay umalulong. Ngunit nang tiningnan ito ng ina ni Quillisha, nakaharap si GM sa sapa at wala namang nakatira roon kaya binalewala lang nila ito.

Pagdating ng ala-sais ng gabi, bumuhos ang malakas na ulan. Nagsimula nang tumahol si GM. ‘Yon pala ay nagbibigay ito ng hudyat sa kanila na kailangan na nilang umalis sa lalong madaling panahon dahil tumataas na ang tubig sa sapa.

Pinutol nila ang kadena ng aso upang mailigtas din nito ang sarili. Lumipat sila sa mataas na lugar.

Imahe via Quillisha Cassiopeia| Facebook

Sa kanilang pagbalik, hindi nila inaasahan na wala na pala silang mauuwian. Pader at sementong sahig na lang ang naiwan sa kanila dahil natangay na ng rumaragasang tubig sa sapa ang mga gamit sa bahay.  Nakalulungkot ngunit ang mahalaga ay nakaligtas sila.

Malaki ang pasasalamat nila kay GM. Kaya para sa mga may alagang aso, may nais iparating si Quillisha.

Aniya, ”Kung mayroon man kayong mga babies na ganyan, alagaan n’yo sila dahil willing silang ibalik ang kabutihang binigay n’yo sa kanila. ‘Di man natin sila maintindihan pero naghahanap sila ng way na mailigtas tayo.”

Si GM ay asong napulot lamang ng kanyang ama sa Grand Mall, kaya ipinangalan ito sa kanya. Tuta pa ito noon at ‘di nila inakalang mabubuhay ito dahil sa labis na kapayatan nito.

Nakaligtas din si GM at masayang kasama ngayon ng pamilya. aww aww!

Source :

Facebook

Loading…