OFW na umuwi ng bansa, ikinuwento ang mala-5 star na serbisyo ng pamahalaan sa kanilang quarantine protocol

Imahe via Romulo Paras II | Facebook
  • Isang OFW ang nagsabing mala-5 star service ang naranasan niyang implementasyon ng gobyerno sa kanila ng quarantine protocol kontra COVID
  • Ibinahagi niya sa social media ang mga detalye ng pag-asikaso upang magbigay kaalaman sa mga kababayang Pilipino
  • Nagpaabot siya ng pasasalamat sa gobyerno dahil bakasyon grande diumano ang kanyang naranasan

Habang marami ang bumabatikos sa gobyerno dahil sa pagkukulang umano nito sa panahon ng COVID, may iilan namanng pumupuri sa implementasyon nito ng quarantine protocols.

Imahe via Romulo Paras II | Facebook

Para kay Romulo Paras II, isang OFW na umuwi sa Pilipinas, maituturing niya umanong 5 star service ang naranasang pag-asikaso ng gobyerno sa kanila nang makarating sila sa Clark Airport Pampanga mula sa Dubai noong July 22.

Ikinuwento niya ang mga pangyayari sa social media at sinabing, “Hindi ito FAKE NEWS! Para sa kaalaman ng lahat ng tao.”

Sakay mula sa Emirates EK2572, nakarating sila ng Clark Airport ng alas-3 ng hapon. Wala na umano siyang finill-upan na mga forms online kasi binigay na lahat habang nasa eroplano sila.

Nang makalabas ng eroplano, mainit na pagbati mula sa isang staff ang sumalubong sa kanya. Isa namang lalaki ang nagbigay ng mga forms na kanyang kailangang  fill up-an . Sa upuan, may libreng mineral water. Binigay rin ang mga guidelines ng quarantine.

“Magagalang at mabibilis ang pagkilos ng mga staff, very helpful at super assist,” paglalarawan niya.

Binigay na sa kanila ang hotel assignment at pumila sila ng panibago para sa libreng swab test. Dalawang test ang ginawa, isa sa ilong at ang isa naman ay sa lalamunan. Matapos ‘yan ay dumiretso sila sa Customs para ibigay ang Custom declaration form.

Imahe via Romulo Paras II | Facebook

Sinamahan sila palabas para sa bus assignment. May nag-abot ng 1 piece Jollibee chicken meal nang libre. Pinatuloy sila sa Woodland Hotel Resort. Libre na naman ulit. Malinis, tahimik at malakas ang wifi sa Woodland at cable din ang TV kaya wala na raw dahilan para mainip.

Ang iba raw nilang kasamahan na naunang dumating ay sa 5 star hotel pa raw pinatuloy kagaya ng Mimosa at Widus.

Muli silang in-assist ng taga-OWWA pagdating ng hotel. Para kay Romulo, maganda ang naging serbisyo ng ahensya ng gobyerno. May libreng pagkain at sapat ito at dumadating lagi sa tamang oras. Apat na araw din siyang namalagi sa hotel hanggang nakuha ang negative result. Hinatid siya ng lokal na pamahalaan ng San Fernando pauwi ng bahay dahil walang magsusundo sa kanya. Sa bahay na siya mananatili ng 14 na araw.

Imahe via Romulo Paras II | Facebook

“I thought it’s a big hassle ang pag-uwi sa epidemyang ito. Ngunit sa pinaramdam ng gobyernong ito na importansya at pangangalaga sa akin bilang OFW, I felt so blessed.”

Maituturing niya na bakasyon grande ang nangyari dahil walang raw negative vibes sa mga taong sumalubong sa kanila. Ni piso, wala rin daw siyang inilabas.

“Walang nangikil, walang nagsamantala at walang nagparinig na parang gustong managa. SERBISYONG TOTOO lang.”

Dahil dito, nanawagan siyang i-appreciate ang ginagawa ng administrasyong Duterte. Nagpasalamat din siya kay Pampanga Governor Delta para sa malasakit at sa mga frontliners ng Clark airport, staff ng OWWA at maging sa driver ng San Fernando.

Isa ka rin ba sa mga OFWs na umuwi ng Pilipinas ngayong may pandemya? Kamusta ang iyong karanasan?

Source :

Facebook

Loading…