Paano magkaroon ng ‘Mister Makahiya’? Alamin mula sa isang marriage book author

Imahe via Dorcas Lledo Brion | Facebook, Imahe via Canva
  • Inihambing sa makahiya plant ng isang manunulat ang kanyang mister dahil sa pagiging sensitibo nito sa kanyang mga pangangailangan
  • Para sa mga mister na hindi kagaya ng makahiya plant, nagbigay siya ng tatlong tips  kung ano ang gagawin
  • Isa na rito ang komunikasyon o pagiging bukas dahil ang mga lalaki umano ay hindi agad nakaka-gets sa totoong nararamdaman at pangangailangan ng asawa

Kilala ba ninyo ang makahiya plant? Ito ay my katangian na pagiging sensitibo dahil kapag nahahawakan ay agad tumitiklop.

Imahe kuha mula sa video ng fruits and vegetables via YouTube

Parang gano’n kung ihambing ng isang manunulat na si Dorcas Lledo Brion ang kanyang mister na si Mark.

Ayon sa kanya, agad nakararamdam ang kanyang asawa sa kung ano man ang kanyang nararamdaman o mga pangangailangan kaya hindi niya na kailangang pagsabihan. Isa na yata siya umano sa ilang misis na naka-jackpot pagdating sa pag-aasawa.

Subalit paano naman kung hindi gano’n ang mister mo?

Sabi ni Brion, may magagawa ka pa at ibinahagi niya sa kanyang FB timeline ang tatlong praktikal na tips kung paano mas mapabubuti ni misis ang kanyang relasyon sa kanyang asawa at para rin siya masuklian ng pagmamahal.

Makipag-usap

Natural daw umano sa mga lalaki ang pagiging tila manhid kaya kailangan pa silang pagsabihan. Kaya payo ni Brion, “Mga wifey, we need to communicate. We need to help them understand us. Let them know your needs, your wants, your dreams.”

Kaya sa susunod na tatanungin ka kung “Okay ka lang?” magsabi ng totoo kung sa dibdib mo ay may bumabagabag na problema o isyu.

“Ipaalam natin sa kanila. Tapos saka na lang natin abangan ‘yong conscious effort nila na maging sensitive sa needs and wants natin,” dagdag ni Brion.

Imahe kuha mula sa Pixabay

Pahalagahan mo siya

“Unahin mo siya. Bago mo unahin ang sarili mo, ang mga anak n’yo o ang Netflix at Facebook. Let him feel na mahalaga siya,” sabi ni Brion.

Iparamdam sa mister na siya ay mahalaga at bilib na bilib ka sa mga desisyon niya para sa pamilya dahil kailangan nila iyon.  Lalo siyang magkakaroon ng tiwala sa sarili.

Ipagdasal mo siya

“Kahit gaano kalala ang asawa natin kayang-kayang baguhin ng Dios yan,” sabi niya.

Gawing parte na ng araw-araw na ritwal ang pagdadasal para sa kabiyak. Huwag agad susuko dahil mayroong hindi naayon sa iyo.  Ipagdasal sa Panginoon ang iyong mg hiling para sa kabiyak.

Sabi ni Brion, “Walang matigas na puso sa makapangyarihang Dios.”

Imahe via Dorcas Lledo Brion | Facebook

Hindi perpekto ang pag-aasawa. Lahat ay dadaan sa mga pagsubok. Ang mahalaga ay huwag agad sumuko at gawin ang tatlong tips na ito at baka makatulong sa pagreresolba ng mga isyu.

Si Dorcas Lledo Brion ay isang  may-akda at manunulat sa Thrive Resources. Ang kanyang pinakabagong libro na “Usapang Magulang” ay ilalabas na sa Agosto.  May-ari rin siya ng Cass Brion – Bibong Pinay.

Source :

Facebook

Loading…