Alamin ang pulso ng bayan: Sa panahon ngayon, ano ang mas mahalaga sa ‘yo? Jowa? O pera?

Imahe via Chinkee Tan | Facebook, Imahe via Pixabay
  • Tinanong ng financial adviser ang mga sumusunod sa kanyang FB page kung alin ang mas mahalaga sa dalawa — pera o jowa
  • Dumagsa ang kumento ng mga netizens ayon sa kanilang paninindigan
  • Alamin kung ano ang mas pinili ng karamihan lalo na ngayong may kinakaharap na pagsubok

Lahat tayo gustong magkaroon ng disenteng pamumuhay at makakamit mo lang iyon kapag ikaw ay may hanapbuhay o pinagkakakitaan.

Imahe via Chinkee Tan | Facebook

Ngunit, mahalaga rin sa atin ang makatanggap ng pagmamahal, di lamang mula sa pamilya kundi mula rin sa taong itinitibok ng ating puso.

Nang biglang dumating ang coronavirus, dumaan sa matinding krisis ang lahat.  Naapektuhan ang trabaho at kabuhayan. Ipinaglalayo rin nito ang mga magsing-irog dahil sa lockdown at social distancing.

Dahil diyan, may katanungan ang financial adviser na si Chinkee Tan,”Ano ang mas mahalaga sa’yo? pera? o jowa?”

Alin ba ang nararapat sa panahon ngayon? Lampas 600 kumento ang natanggap ng post na ito at heto ang iilan sa sagot ng mga netizens.

“Mas mahalaga ang jowa kasi kaagapay mo siya sa hirap at ginhawa. Magtutulungan kayo para makamit ang goal at magkaroon ng pera.”

Imahe via {Pixabay

“Pera kasi praktikal na ngayon sa hirap ng buhay. May jowa ka nga, tamad at walang diskarte gutom ka rin.”

“Pera kasi kahit walang jowa puwede akong sumaya kapag may pera tulad ng mababayaran ko mga utang ko,matutulungan ko pamilya ko financially. Puwede ako maglibang kahit saan. Pag jowa, sa umpisa lang ‘yan masaya. Pakikiligin ka lang tapos sasaktan ka lang o lolokohin sa huli.”

“Pera. Pag may pera ka kahit ala kang jowa kusa nang lalapit sa’yo mga babae kasi may pera ka. Yung iba nga kahit matanda na may pumapatol pa rin kasi akala ng babae mapera.”

“Jowa kasi marami na akong pera. Hahahaha!”

Imahe via Pixabay

“Pera! Kasi may mga jowa na naglalaho pag wala kang pera! Pero pag mapera ka lapitin ka ng jowa kahit di ka maghanap!”

“Pera kasi ang jowa puwede ka pa humanap ng iba! Pero kapag pinalampas mo ang opportunity na kumita ng pera hndi na babalik ‘yun!

“Pera siyempre kasi mahirap magkapera kaysa magkajowa. Ang jowa nandyan lang sa tabi-tabi kung gugustuhin.  Pero ang magkapera mahirap kasi  gigising ka nang umagang-umaga para sa pera.”

At ang nanalo ay pera. Praktikal na nga ang mga tao ngayon. Sa tindi ng ating pinagdaraanan, mas uunahin mong isalba ang satili mo.

Pero.. puwede ba both? Hahaha.

Ano sa tingin ninyo? Alin ang mas mahalaga?

Source :

Facebook

Loading…